Chapter Twenty Seven

667 23 4
                                    

Ang masasabi ko lang ay sobrang sarap ng tulog ko dahil malamig ang paligid and the bed seems too comfy. Pag-inat ko at pagmulat ng mata ko ay nagulat ako na parang naiba yung interior ng kwarto na pinagsstayan ko.

Then memories of what happened kagabi came rushing back. I face palmed myself dahil nakitulog nga pala ako sa kwarto ni Blake. I slowly turned  my body kung saan ang pwesto ni Blake baka kasi tulog pa siya but I saw nothing. Ang aga naman niya magising kung ganon. Maybe it is for the best na rin dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya tsaka di pa ako nagtotoothbrush, nakakahiya na batiin ko siyang good morning at maamoy ang hininga ko.

Nag-inat lang ulit ako and checked the alarm clock at the bed side table. 7:30 na pala. Dahan-dahan ako lumabas ng kwarto at chineck ang paligid baka makita ako nila Yuki na lumalabas ng kwarto ni Blake for sure ay gagawan nilang issue yon. Madumi pa naman utak ni Yuki at Clay.

Pagbaba ko ay amoy ko na ang mabangong niluluto sa kusina kaya pumunta na ako agad doon dahil tsak na andoon sila.

"Oh ayan na ang mahal na prinsipe" announce ni Clay sa akin kaya agad tumingin yung dalawa sa akin.

"Good morning" bati ko sa kanila at agad humila ng upuan. "Baliw ka Clay pasalamat ka sa amin ni Blake at hindi ka namin inintsa sa labas. Kung ako lang baka iniwan na kita sa sala" biro ko.

"Thank you pala Hans. Sorry nagpabuhat ulit ako sa inyo ni Blake. Grabe knockout na naman ako" sabi ni Yuki sa akin habang inaabutan ako niya ako ng plato.

"No problem tsaka Blake did all the lifting ako lang yung naglinis" sabi ko naman.

"How's sleep?" nilagyan ni Blake ng itlog yung plato ko.

Buti na lang ay nag-uusap ang dalawa at hindi narinig yung tanong ni Blake sa akin.

"Good" ngiti ko sa kanya. "Thank you for letting me stay in your room" bulong ko since katabi ko lang siya.

"Welcome" ngiti niya sa akin. "And here's your coffee"

"Ang daya ni Blake si Hans lang ang pinagtimpla" nakatingin na pala sa amin yung dalawa.

"Gawa ka ng sayo" He dismissed Clay kaya natawa ako bahagya.

"Nakakahalata na ako may favoritism ka Blake ah" sabi ni Clay pero sinagot lang siya ng kibit balikat ni Blake.

"Ano gagawin natin ngayon? Di naman pwede dito tayo maghapon dahil nagbakasyon pa tayo kung dito lang tayo" tanong ni Clay habang pumupunta sa counter para magkape siya.

"Hmm Skyranch tayo gusto ko rides" suggest ni Yuki.

"I'm in" sabi ko na lang at umagree naman sila Blake sa idea ni Yuki.

"Minsan maasahan ka rin naman pala Yuki at ginagamit mo ang utak mo" sabi ni Clay at doon nag-umpisa silang magbangayan.

~

"Bilisan niyo" pagmamadali ni Clay kala mo naman hindi kami makakapasok.

"Parang bata ka naman Clay" reklamo ni Yuki kay Clay.

"Pakielam mo ba. I am excited for the zipline" lumiliwanag ang mga mata ni Clay with his thought.

Our plan for today is magtry ng mga rides dito sa Skyranch. Our number one priority is yung zipline dahil gusto i-try ni Clay.

Ngayon ay nialalagyan kami ng equipment para pang zipline at napansin ko si Blake with uneasy look.

Siniko ko siya "Okay ka lang?"

"Hmm" tango nya lang pero palinga-linga siya na iniiwasan ang tingin ko sa kanya.

Kunot noo ko siya tiningnan. "Are you sure parang di ka mapakali dyan. If na-ccr ka samahan kita" biro ko pa sa kanya.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon