Mga may 20 mins na ata kami nasa biyahe pero wala nagsasalita. Halos yung stereo lang yung tumutugtog. Mahilig pala siya sa mga chill songs lang. Hindi rin nakatulong na traffic ngayon kaya eto ako nag-iisip ng magandang topic na pwede namin pag-usapan baka kasi sabihin niya boring ako kasama no.
"Ano nga pala" tumingin siya sa gawi ko "doon mo na lang ako ibaba sa bahay namin huwag sa dorm gusto ko rin kasi bumisita kela mama" hindi ako nakatingin sa kanya kasi nahihiya ako.
"Got ya" sabi lang niya.
Tumahimik ulit kaming dalawa.
Binasag niya yung katahimikan. "Ilang years na kayo magkaibigan ni Roy?"
"Simula pa nung junior high school magkakateammates kami with Fred and Ken yung nakita mo kasama namin sa café. Then kami lang ni Roy yung nagtuloy mag volleyball yung dalawa nagfocus sa pag-aaral" tumango naman siya.
"Kayo ni Diana?" tanong ko.
"Since junior highschool din"
Bilib din ako sa kanila kasi ang tagal na nila. Highschool sweetheart kung baga.
Tumingin naman ako sa harapan at mukhang traffic talaga. I saw sa waze app ni Blake na mukhang may banggan atang naganap kaya stuck kami sa traffic.
"You know what lets play a game" aya ko sa kanya.
Natatawa siya."What?"
"Bilis na para di tayo mabore kasi traffic pa oh. Baka mapanisan lang tayo ng laway"
"Okay what's the game"
Humarap ako sa kanya. "We will ask each other a question then we will answer"
"What's the purpose of the game?" tanong niya sa akin.
"I dont know maybe we could use it so we could know each other tsaka to kill boredom nga baka kasi hindi ko matiis ang traffic maglakad ako papauwi"
Ngumiti naman siya. "I'm in but you start because ikaw nakaisip"
Sinimulan ko yung tanong. "What's your favorite color?" syempre simple muna.
"Black. You?"
"Hmm blue"
"Favorite series?" tanong niya sa akin.
"Marami actually but yung bini-binge watch ko palagi is Friends and Modern Family. Ewan tawang-tawa ako sa series na 'yon. Minsan kasi gusto ko light lang"
Bahagya siyang natawa kaya tiningnan ko siya.
"What?" maang-maangan siyang tumingin sa akin.
"What's with the laugh?"
"Wala lang nasa personality mo yung manood ng ganoong series"
I rolled my eyes at him. "What do you mean by that?"
"Wala naman. You are someone na I expect na nanonood ng mga ganon. Maybe the vibes tsaka di ba you hate romance with tragic stories so I figured din na gusto mo yung mga light stories lang"
"Luh na-analyze mo ako ng ganon-ganon lang. Eh ikaw ba?"
"Game of thrones"
Tumawa rin ako bilang pang-asar. "Figures"
"What?"
"Well tipo mo rin yung mahilig sa mga ganon. Mukha kang mahilig sa dragons and war"
He look at me na parang naoffend ko siya. "Judger ka pala" habang umiiling.
"Wow ah parang di mo ginawa at excuse me ikaw ang nauna sa ating dalawa" natatawa kong sabi dahil alam kong nagbibiro lang siya.
"Bakit di ka ba mahilig sa mga game of thrones type na mga series beside sa hindi light series"
