"Ace spiker Hugo with a solid spike and score. Now you witness a rare 4-peat championship by Westwood University!"
Tanda ko pa kung pano tumaas ang balahibo ko kapag papalo na si Jesus Hugo. Ang dahilan kung bakit gusto ko matuto kung paano mag volleyball at bakit gusto ko pumasok sa Westwood University.
I was just flipping through channels nung araw na iyon. Hindi ako masyado lumalabas dahil mahiyain akong bata. Sobrang bored ako non at sawa na sa panonood ng cartoons kaya naghahanap ako ng bagong papanoorin.
Then I saw this man spiked a ball na kala mo dala ang buong bansa sa pagpalo. May initial reaction? Wow kasi sobrang bigat nung palo kaya tinigil ko ang paghahanap ng channel at tumutok sa volleyball.
Noong una hindi ko alam kung sino ang dapat kong kampihan since hindi naman ako maalam sa sports ng volleyball. Sa huli pinili ko ang isang team na kulay black ang uniform since yun ang paborito kong kulay.
"Trenton with a triple block on Hugo but the spike of Hugo pass through." announce ng commentator sa tv. "Binasag ni Hugo yung block sa kanya. At this point Hugo is unstoppable"
Kulang ata ang adjective sa laro na pinapakita ni Hugo kasi every time na tatalon siyang mataas ay siguradong puntos. Ganon siya kagaling.
Noong araw na yon ay inaabangan ko na ang laro ng Westwood ng dahil sa ace spiker nilang si Jesus Hugo. Nag follow na rin ako sa mga lahat ng social media niya at pinanood ang mga highlight plays niya. Naging instant fan niya ako.
"Huh? Nagpapabili ka ng bola ng volleyball?" tanong ni mama sa akin dahil pinipilit ko siyang ibili akong bola kahit yung mumurahin lang.
"Opo mama"
"At kelan ka pa natuto mag volleyball aber" pumamewang ang aking ina.
"Hindi pa ako natuto dahil t-try ko lang since wala akong sports bakit hindi ako magtry di ba?" paliwanag ko kay mama.
"Oh okay bahala ka sa buhay mo. Sige ibibili kita"
"Thank you ma!" hinalikan ko siya sa pisngi ngumiti naman siya.
After ako mabili ni mama ng bola ay agad akong nag search kung paano maglaro ng volleyball. Pinanood ko kung paano mag ball control. Nakuha ko naman agad after ilang weeks. Naglalaro lang ako mag-isa sa bakuran namin and after ko mag ball control ay mapupula ang mga braso ko dahil hindi pa ako masyadong sanay. Pero noong nakuha ko na ay gusto ko na matuto paano rumiceve ng palo pero wala ako kalaro. Kaya naghanap ako, eh saan pa ba kung hindi sa school namin.
"Bola!" may sumigaw sa likod ko dahil pumunta ako sa gym namin para magtanong sana kung na saan naglalaro ng volleyball pero walang ka effort effort kong nahanap since natamaan ako ng bola sa ulo ng volleyball.
"Sorry okay ka lang?" tanong ng lalaki sa akin.
Pinulot ko ang bola at binigay sa kanya "Oo sorry din. I am not being careful"
"Balik na ako" paalam ng lalaki sa akin kaya tumango ako.
Pumunta ako sa bench na malapit sa mga naglalaro para manood kung paano sila magtraining. Tinitingnan ko pa lang sila kung pano magtrain ako yung napapagod. Sobrang daming drills yung ginawa nila from spiking, blocking, and receiving. Tinuturuan din sila kung pano yung tamang form ng pagdig ng bola.
Dahil sa pananonood ko araw-araw sa kanila ay nagttry ako sa bahay kung pano yung mga drills nila pero mostly ay sa receiving and digging ako nag focus since gusto ko maging libero. There's something na nakakaputo ka ng malalakas na palo. Nakaka satisfy ba lalo na if yung ace player ang madig mo. Hindi biro ang maghabol ng bola tsaka rumiceive na dapat sakto sa setter kaya gusto ko rin maging libero because it comes with alot of challenges.
![](https://img.wattpad.com/cover/359755040-288-k550864.jpg)