Currently ay nasa dug out na kami with coach Jesus giving us further instruction kung ano-anong play ang gagawin namin with his white board.
"Lets huddle everyone" nilagay namin mga kamay namin sa gitna.
"1.2.3. " bilang ni Cap. Lance. "Lets Go" sigaw niya.
"Woodpeckers" sigaw namin balik.
After naman non ay bumalik kami sa mga ginagawa namin. Yung iba ay nagwawarm up na at ang iba naman ay nagpapalit na ng jersey.
"Cr lang ako" paalam ko sa mga kasama ko.
"Sama ako Hans" habol ni Yuki sa akin kaya sabay na kami pumunta.
Pagkatapos namin mag cr ay babalik na kami sa dug out. Habang naglalakad kami nagkwekwentuhan kami about sa mga pwedeng gawin during the game. Nang biglang may bumangga sa akin.
"Hey watch where you going!" mukhang mayabang yung lalaki kasi may smug look siya sa akin. Matangkad din siya pati kasama niya kaya nakatingala akonkung tumingin.
"S-sorry--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita yung kasama nung lalaki. "Oh isn't the once great Yuki Fujimoto" tiningnan ko si Yuki pero wala siyang emosyon na pinapakita.
"Yuki sino sila?Kilala mo?" tanong ko, nasagot naman agad ang tanong nung makita ko ang uniform nila.
Preston University. Fuck. Sila makakalaban namin ngayon.
"Oo nga Yuki kilala mo pa ba kami?" nakatingin lang yung dalawang lalaki kay Yuki and resentment is seen on their face.
"Hans we should go hindi sila worth it ng oras" hinila ako ni Yuki papaalis don.
"Yan tama yan tumakbo ka lang tutal dyan ka magaling" sigaw ng lalaki kay Yuki kaya tiningnan ko siya. Nagtinginan din ang mga ibang players na andoon sa area.
Sumingit naman ako sa usapan at handang ipagtanggol si Yuki dahil sino ba sila. "Hoy--" hindi ko na natuloy dahil hinila na ako ni Yuki papalis.
"Let's just go Hans"
"Yayabang naman non" hindi ko malimutan mga mukha nilang mayayabang at naiinis pa rin ako. "Are you okay Yuki?" concern ako sa kanya kaya pinahinto ko muna siya sa paglalakad.
"Hindi siguro sinabi nung dati kong coach yung dahilan ng pag-alis ko" malungkot niyang sabi.
Pinaharap ko siya sa akin. "Maybe someday masasabi mo dahilan sa kanila" ngiti ko.
I saw some glimpsed of smile at him. "Sana nga Hans"
Matapos non ay pinakalma ko muna siya bago bumalik para mentally ay okay siya at focus sa laro. Nag stay lang kami sa dug out then lumabas na kami. Rinig sa labas ang sigaw ng i-announce ang Preston University, madami rin kasi silang mga fans, their fans can compete with Trenton.
"Here comes the Crestwood University" I hear the cheers from the crowd in our side which made me happy.
Lumabas na din kami para makapag warm up at drills. Tiningnan ko ang kabila at may foreign student athlete (FSA) pala sila. Mukhang batak ito at malakas. Agad mo siyang makikita dahil ang tangkad niya. Wala sa radar namin na lalaro ngayon yung FSA nila.
"Tingnan mo coach may FSA" sabi ng isa kong teammate kay coach na busy with other assistant coaches.
"Ah yeah ngayon lang yan nakapasok with one year residency kaya wala tayong idea about him" nilagay ni coach kamay niya sa baba niya parang nag-iisip ng strategy.
"Ano po gagawin natin coach?" sabi ni Cap. Lance, yes kasama silang dalawa ni kuya Kim ako lang at si Yuki ang rookie na kasama the rest puro junior and senior na namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/359755040-288-k550864.jpg)