Chapter Seventeen

583 20 9
                                    

Panay picture si Diana kay Blake habang nagdridrills ito. Ako naman ay focus sa panonood pano siya magdrills.

Spiking drills sila ngayon, kita ko kung pano hampasin ni Blake ang bola nagpapa-impress ata kay Diana. After niya pumalo ay panay tiningin niya sa gawi namin chinecheck ata kung nanonood si Diana. Grabe yung spiking niya parang dala buong univeristy nila pagpumalo.

Nagchat na rin ako kay Roy na andito pa ako sa arena. Sabi naman niya ay in-allow sila ng coach nila na magstay kaya manonood din daw siya. Nireserve ko na siya ng seat katabi ko.

Bigla naman tumunog ang phone at nakitang may tumatawag.

"Uy saan kayo?" tumawag sa akin si Roy

"Ayan kumakaway ako" hindi pa naman masyadong maraming tao sa arena for sure makikita niya ako.

"Wait.. where are you?.. ayon kita ko na" pinatay niya na ang tawag at lumapit sa amin. Bigla naman tumingin sa gawi namin si Diana.

"Diana, Roy will be joining us is it okay?"

"Yep that's your friend sa cafè right?" tumango ako sa kanya.

Lumapit naman sa amin si Roy and we did our handshake at tumabi na sa akin.

"Congrats!" bati ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Sus maliit na bagay" yabang niya sa akin.

I did an eye roll at him at tumawa lang siya.

"Hello Diana" bati niya sa katabi ko na busy magpicture.

"Hello Roy congrats on your win" ngumiti lang sa kanya si Roy.

Nagkwentuhan lang kami ni Roy ng kung ano-ano since busy naman si Diana sa pagkuha ng mga picture ni Blake.

Bigla naman nagdilim ang buong arena and the spotlight is on the two teams kaya lalong nag wala ang mga tao sa arena.

"Open spiker and team captain, Blake Gutierrez" agad naman nagsigawan ang mga tao noong tinawag ang pangalan ni Blake. Dami niya fans sa arena kaya puno ito. Samo't-saring mga banner ang meron at may cut outs pa ng mukha niya.

"I love you Blake"

"Blake will you marry me?"

"Blake galingan mo!"

Iyan lang ang mga maririnig mo sa mga tao ganon kasikat si Blake.

Nag-umpisa ang set na hataw na hataw si Blake. Nakacheat code ata ito kasi lahat ng atake ay effective from powerful spikes to drop balls. Hirap siyang basahin ng kalaban kasi dami niya variety sa attacking. Bago niya pinapalo o hinuhulog ay tinitingan muna niya yung pwesto ng kalaban, talk about hangtime. Paano ko kaya dedepensahan eh pati ako nalilito kung anong gagamitin niyang atake.

Nakakamangha makitang maglaro si Blake sa totoo lang, para siyang work of art pagtumatalon may something poetic sa spiking form niya. Kakaiba talaga pag nanonood ng live.

Ang malala pa ay may ambag ang mga kasama niya, sobrang tibay magblock nung mga middles nila tapos yung setter pinapaikot ang mga spiker niya. Hindi nakakatulong na may mga combination plays silang ginagawa. Ang elite nila bilang unit parang iisa lang utak nila. Siguro ganon talaga pag solid yung program nila at tsaka establish na talaga yung coach nila.

"Serving is Blake Gutierrez!" sigaw ng colisseum announcer. Kasama sa pagbanggit ng pangalan ni Blake ay ang sigaw.

Yung katabi ko naman na si Diana puro sigaw din. Hindi mo aakalain dahil sa tahamik niyang demeanor ay sisigaw siya. Minsan ay napapayakap pa siya sa braso ko pag may rally kaya tumatawa ako e. Medjo naiilang lang ako since baka magselos si Blake. Eh hindi ko rin naman alam kung seloso yung tao nag-iingat lang ako. Ayaw ko ng kaaway.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon