Beep.Beep.
Tunog ng alarm clock ko kaya agad ko pinatay. Nauna pa ako kesa sa alarm ko magising actually hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Hindi ko alam dahil ba sa excitement o dahil sa kaba or baka both.
Pero it hits me eto na talaga college student na ako. New environment, new set of friends specially mas mahirap na subject. Basta pinapaalala ko sa sarili ko na "Be yourself". Sana magkaroon ako agad ng kaibigan kasi ayaw ko mag lunch mag-isa if ever.
Agad na ako bumangon kahit na puyat ako kasi no choice ang daming line up of activities na gagawin ngayon for freshman ng Westood University tsaka ayaw ko mapalagpas yon kasi once ka lang naman maging freshman sa Westwood kaya need sulitin no.
Bumaba na ako after ko maligo at suotin ang uniform ko. Gusto ko kasi kumain muna ng breakfast para may energy ako mamaya.
"Oh anak kain ka muna" aya ni mama sa akin kaya humila na ako ng chair at tumabi kay papa na nagbabasa ng morning newspaper at may kape sa tabi.
"Excited?" tanong ni papa sa akin habang sumisimsim ng kape niya.
"Yes po pa!" sumubo ako ng spam at ang taas ng energy ko.
"Halata nga sa eye bugs mo" asar ni papa.
"Mama si papa nang-aasar"
Tinapik ni mama si papa para tumigil sa pang-aasar "Ikaw Jose tigilan mo ang anak mo" umupo na rin si mama sa kabilang upuan.
"Ikaw Hans sasabay ka ba sa papa o jeep ka na lang?"
"Jeep ma kasi out of the way si papa sa Westwood baka matraffic pa si papa sa daan"
"Okay kuha ka na lang pera sa wallet ko" sabi ni papa.
"Kaya love kita papa e" sabi ko sa kanya.
"Paano naman ako?" tampo ni mama.
"Syempre ikaw din mama" ngiti ko sa kanya.
After ko kumain ay nag toothbrush na ako then humalik sa pisngi ni mama at papa kasi aalis na ako.
Mga halos 45 mins lang ang tinagal ng aking biyahe bale dalawang sakay ng jeep ako. Mahaba ang pila sa entrance ng university since first day pero puro mga freshman lang dahil freshman day ngayon. Pumunta muna ako na room designated sa section ko. Nung makapasok ako ay konti pa lang ang andito kasi medjo maaga pa kaya I kept myself busy by scrolling sa social media and nakikipag chat din ako kela Roy kasi first day din nila kaya puno ng kanya-kanyang selfie ang gc namin.
"Hello may nakaupo na ba rito?" tanong nung lalaki sa akin. Hindi ko napansin na medjo madami na pala ang andito sa room namin.
"Ah wala pa. Go ahead" ngiti ko sa kanya.
"Ako pala si Clay" lahad niya ng kamay sa akin
"Ako naman si Hans" I shooked his hands.
Nagkwentuhan lang kami about sa sarili namin and I am proud to say na I made my first friend ngayong college.
"All freshman engineering student please assemble on the quadrangle of the building by section" announced sa built-in speaker sa loob ng room. Tumayo na kaming dalawa ni Clay at sinundan mga classmate namin.
Nakipag selfie pa kaming dalawa sa official mascot ng engineering which is a hard hat. Post ko ito mamaya sayang ang clout dahil mahal ang tuition sa Weswood kaya deserve kong ipost ito. Na-exchange na rin kami ng socials ni Clay kaya tatag ko siya mamaya.
After ng assembly ay pinapunta kami sa napakalaking gym ng Westwood kala mo may concert sa sobrang puno ng gym kasama rin kasi namin ibang department. Nag-start ang program by introducing us sa history ng Westwood University at may iba-ibang mga performance ng students. Tinuro rin sa amin yung different chants ng Westwood University kasama na rin ang hymm.