Binigyan lang kami ilang minuto to do free spiking para na rin magakaamuyan both setter and spikers after that ay pinapunta ang team captain sa side. For us si Yuki ang magrerepresent sa toss coin. Pumanig yung toss coin sa amin at pinapili kami kung serve o attack. Pinili ni Yuki ang serve so kami ang unang magseserve.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto. At tumalikod upang ilista nung 2nd referee yung pwesto namin and number for rotation purposes. After non ay agad sumenyas ang second referee na pwede na ako makipagpalit ng pwesto sa middle blocker. Kaya inapiran ko yung middle blocker bago pumasok.
Unang mag-seserve ay yung isa naming open hitter which means may dalawa kaming hitter plus a setter sa front line. Nasa harapan si Yuki then isang middle blocker then the setter. Nasa likod naman ako, yung isa pa namin na open and the opposite. Pumito ang 1st referee which is coach Jesus pala kaya huminga ako nang malalim so I can focus.
Nag serve na yung open hitter namin at agad na perfect receive nung kabila at agad sila nag-execute ng middle play. The thing about middle plays ay mabilis ito, unexpected kung baga pero buti alerto yung isa kong kasama at nadig ito. Agad tumakbo yung setter namin sa gitna ng net para mag set at sinet niya ito kay Yuki at ako naman ay naka abang sa ilalim niya if mablock siya which is nangyari dahil matibay yung block ng kalaban. Sarado both cross court and down the line buti na cover ko yung bola bago bumaba. Nag set ulit yung setter sa opposite naman for a d-ball attack pero na cover ulit nung kalaban. Sinarado naman ng kasama ko yung down the line which is our plan kaya expected na magcrcross court yung kalaban pero at the last minute ay nag drop ball siya but I saw it kaya agad ako tumakbo at nag dive sa gitna ng court. Tumaas ang bola at nag set ulit pero this time kay Yuki ulit. Since matibay block ng kabila ay pinatama ni Yuki yung bola sa block para lumabas yung bola which for me is a high level of IQ play.
"Yes!" sigaw namin lahat kasi unang point ay sa amin. Grabe unang point pa lang iyon pero medjo mahaba na ang rally. Kailangan nang malalang stamina for this game.
"Good dive" sabi sa akin ni Yuki at nag okay sign ako.
"Good off the block" balik kong compliment din ako sa kanya.
The game went on and on until yung first set ay natapos sa score na 15-17 then yung second naman ay 15-12 in favor both set sa team namin. Matibay din kasi depensa ng kabila at magaling din mang-ipit ng set yung setter nila kaya medjo nakakalito kung saan niya dadalhin yung bola.
Pumito si coach Jesus meaning ay tapos na ang game at kailangan naming makipag hand shake sa kabila.
"Good game" yan ang sinasabi ko bawat may maghahand shake sa akin.
Pumunta ako sa isang bench para magpahinga dahil mahahaba ang rallies ng game kanina ay medjo naramdaman ko ang pagod at medjo wobbly na yung legs ko kakahabol ng bola. Uminon din ako ng sports drink para mareplenish yung katawan ko.
May isa pang game kaya may time pa ako para magpahinga bago maligo sa shower area dito sa gym.
"Now that all of the games have ended, me and the team will now talk about your individual performance. We will post who passed the try out this monday. Good luck everyone" ngumiti si coach sa amin at nagpaalam.
"Tara kain" aya sa akin ni Yuki after namin mag shower.
"Sorry next time na lang kasi I made a promise sa isa kong kaibigan" appologetic na sabi ko sa kanya.
"Okay see you na lang sa team practice"
"See you sa practice" sana mag dilang anghel si Yuki na makapasok kaming dalawa.
"Gago ang lupit mo" bungad sa akin ni Clay nung lumapit ako sa bench kung na saan siya.
"Sakto lang" ngiti ko.