"All of the players please board the bus para hindi tayo matraffic" sigaw ni coach Cholo.
This is the day, una naming laro at debut na laro ko for the university. Magkahalong kaba at saya yung nararamdaman ko. Ewan ko ba hindi na ako nasanay about competing eh halos matagal ko na ito ginagawa.
Nang sinabi ko kela mama na nakapasok ako sa pool of players na maglalaro sa unang game namin ay natuwa sila. Nag-off pa si papa sa trabaho so he can watch my first game and si mama naman ay gumawa ng banner. Tapos yung mga kaibigan ko naman ay sobrang saya. Agad naman sila bumili ng ticket para makanood sila because I only have 2 extra ticket kaya sabi ko bawi na lang ako sa kanila. Si Roy naman ay nakapasok din sa line up nila. Sabi ko sa kanya ay manonood din ako sa kanya if ever na clear yung schedule ko.
To keep me naman to calm sa bus ay gumawa ako ng sarili kong playlist ko kaya iyon ang pinakingan ko. Hindi ko talaga kayang hindi kabahan.
"Guys listen" narinig ko nagsalita si coach kaya tinangal ko yung earphone ko. "Just apply what we have trained this past few weeks. Huwag kabahan at magtiwala sa sarili. Ang goal natin ay magkaroon ng chemistry yung team and if manalo bonus lang iyon"
This week ay tinuruan lang kami ng iba't-ibang plays that we can execute. Sa huling training day nanonood kami ng play last season ng makakalaban. Pinag-aralan namin lahat ng galaw nila at mga tendecy nila pag may rally na nagaganap.
Mga higpit isang oras ay nasa arena na kami. Bumaba na kami ng bus at pumunta muna sa dug out para magpalit ng jersey and to do some basic stretches. Nakuha ko yung gusto kong number which is 25.
Ang kulay ng uniform ko ay kulay black habang sila ay naka white. Light color kasi ang na assign sa amin. We have 2 dark color and 1 light color. Yung kalaban naman ay ang dark color para madistinguish yung dalawang team.
Nagpicture lang kami at inistory ko na rin. Tinag ko rin si Yuki at Pat sa pic namin. Habang nag-sasapatos ako ay tumunog ang notif ng IG ko kaya tiningnan ko.
"Good luck :)" dm ni Blake sa akin at bigla ako kinabahan ewan bakit. Wag naman sana siya manood baka kasi magkalat ako nakakahiya.
"Let's go sa court so we can warm up" sabi ni coach Ivy. Imbis na magreply ako kay Blake ay nagheart na lang ako at tinago ang phone ko.
Noong lumabas kami from the dug out ay biglang nagsigawan ang mga tao. Supporters ito form both school medjo sikat din kasi yung kalaban namin pero sa isang liga sila ng collegiate level. Kanya-kanyang tambol ng drum at pag chant ng iba'-ibang cheer yung magkabilang kampo. Gusto ko sana hanapin sila mama at mga kaibigan ko pero hindi ko sila makita sa daming nanonod.
"Hans good luck" tiningnan ko kung sino ito si Cap Lance pala ito kasama mga seniors namin nasa audience pala sila ngayon.
Ginawa na namin ang mga warm up namin. Pamaya-maya lang ay pumito na ang referee na naghuhudyat na start na ng free spiking at drills ng team. Habang nagddrills ay may isang analyst at commentator na nasa tabi namin. Parang dati pinapanood ko lang sila sa tv namin ngayon andito na sila sa tabi ko dinidiscuss yung mangyayari mamaya.
Pumito ulit ang referee meaning kami naman ang magfrfree spiking. Nag toss coin na rin yung bawat team captain. Since hindi nakaline up si Cap Lance ay nirepresent kami ni kuya Justin. Natalo siya sa toss coin at pinili ng kalaban na sila ang magseserve kaya kami ang rereceive meaning we have a high chance na makuha yung unang point we just have to receive properly.
"Coach tayo yung receive" inform ni kuya Justin kay coach.
"So starting libero ka Hans" ang plano ni coach ay ako ang receiving libero at si Ulysses yung isang rookie libero ay ang digging libero. Ginawa ito para makita yung skill namin dalawa at pag second set naman ay ako ang magiging digging libero.