Lumipat naman agad ako sa harap. If I have known na hindi kasama si Diana ay nagsuggest sana ako ng change of plan. Ewan ba bakit na-awkward ako sa kanya eh medjo close naman kami, well para sa akin close ko siya. Basta naiilang ako sa kanya.
Buong biyahe ay tahimik lang ako kasi wala naman ako matopic kaya nakatingin lang ako sa labas. Medjo makulimlim din parang kanina lang ang init eh sana naman huwag umulan ayaw ko mag-stay sa condo ni Blake.
Binasag naman niya yung katahimikan at lumingon naman ako sa kanya. "What's your favorite food?"
"Hmm right now I want some menudo" nung isang araw pa ako nagcr-crave don pero yung mga karinderya malapit sa school ay wala noon.
Tumango siya."Okay"
"Okay what?" ano naman possibly gagawin niya sa information na iyon.
"I'll cook it for you" with what he said nagwala na naman ang tyan ko baka gutom na ako.
Nagulat naman ako. "Marunong ka non?" ang talented naman niya.
"No, but I can search it on youtube" tumatango-tango na lang ako.
"Sana all mabilis matuto" ngumiti lang siya sa akin.
Mabilis lang ang biyahe papunta sa supermarket at habang nasa biyahe ay pinagsearch niya ako ng mga ingredients for menudo.
Siya yung namimili ng mga ingredients at ako naman tiga push ng cart since wala naman ako alam sa mga kinukuha niya since ito lang magiging ambag ko. Halos mapuno yung push cart dahil sinabay pala niya yung mga supplies niya. Obviously mahilig siya magluto dahil puro pangluto yung andoon.
"You should get what you want, if you want something" kala ko ba pera ni Yuki gagamitin namin parang siya pa yung nanlilibre pero umoo na lang ako para ituloy na niya yung pamimili niya.
Pinanood ko siya kung paano siya mamili. Ang busisi niya mamili dahil tinitingnan niya yung quality ng bawat products na binibili niya. Ang cute niya. Huh? Sinabi ko bang cute? Erase.Erase.
"Stop staring" nakatingin pa rin siya sa dalawang latang pinagpipilian niya.
"Huh?" Umiwas ako ng tingin kahit hindi naman siya nakatingin.
Ngumisi lang siya at patuloy na nakatingin sa lata "You are staring"
"No I am not" deny ko.
"Okay if you say so" naglakad na siya papunta sa akin at nilagay yung napili niya.
"Talaga naman eto namimili rin ako" dinampot ko yung lata ng kung ano na hindi tinitingnan.
"Aanhin mo yung sardines?" ngisi niya na parang nahuli niya ako na nagsisinungaling.
Tiningnan ko naman ang dinampot ko at lata nga ng sardinas. "A-ano uulamin ko bakit ba"
Umiling lang siya na natatawa at nauna na maglakad.
"H-hoy hintayin mo ako" ang bigat na kasi ng cart.
Halos lahat ng tao ay natitingin sa gawi namin at palaging sinusundan ng tingin si Blake. Sino ba naman hindi titingin dahil matangkad siya at gwapo siya. Oo inaamin ko naman na gwapo siya that's a fact. Nakakahiya tuloy maglakad kasama siya. Para akong bata na nakasunod sa magulang niya with our height difference.
"Oh ito yung binigay ni Yuki na pera pandagdag sa pambayad" I handed him the money pero tiningnan lang niya nasa counter na kasi kami.
Inabot niya yung card niya sa cashier. "Tabi mo na lang next time mo na ulit ako ilibre"
"O-okay" so meaning may pagkikita pa kaming dalawa.
Trinasfer na namin yung mga pinamili namin sa kotse niya. Andami boxes na dapat buhatin at ang bibigat.
