"Okay players who will try out you can line up" announce ni coach Jesus sa amin. Medjo madami nag try out ngayon mga nasa 30 players kami and ang kukunin lang ay pito pampuno ng mga nawala last year kasi may mga player din kasi na nasa team b na pwedeng ma promote sa main team bale sa main line up ay 12 players lang ang kukunin yung iba naman ay mapupunta sa team b o reserve. Kaya kailangan talaga galingan kasi hindi dahil nakapasok ka sa line up ay mapupunta ka na sa main team kasi may mga naghihintay pa mga players na nasa team b.
Nasa harapan ko ngayon si coach Jesus. Hindi pa rin ako makapaniwala na possibly siya ang maging coach ko if makapasa ako. Alam kong hindi lang ako ang namamangha at na ststarstruck na andito dito si coach Jesus.
"So here is Kim Ortiz the senior setter of this team" kumaway si kuya Kim. Grabe dati pinapanood ko lang sila sa tv ngayon nasa harapan ko na sila. "You will stretch with him. Bale siya ang maglelead ng stretching niyo and tuturuan niya kayo ng ilang warm up bago kayo mag drills"
Kaya pumuwesto na si kuya Kim sa harapan namin at nag lead ng stretching namin. Nagwarm up din kami kasama siya.
"Enough with the stretching and warm up" sabi ni coach Jesus. "This is Lance Fuentes the team captain of the team. He will now demonstrate the drills and he with the whole team especially me will assess your skills"
Sa una ay pinaghiwalay kami by position. Bale tatlo kaming nag-trtry out bilang libero kaya medjo hindi rin ako confident kasi mukha silang malakas. Naghintay lang kami ng turn namin kasi yung drills ay para muna sa spikers which the open, opposite, and middle.
"Okay now we will assess the skills of the libero. Libero's main job is to receive and dig. Syempre maghabol na rin ng bola so we will focus on that"
Ang una namin ginawa ay ang serve receive which is the same drill with my first ever try out nung high school. Bale pangatlo ako sa mag rereceive kaya I have time to scoop up the competition.
Infairness magaling yung dalawang libero may mga misreceive lang pero okay yung performance nila. Then it is my turn na.
"Hans Romero to the court" agad ako pumunta sa court to receive the serve. Ang kinakatakot ko lang ay ang jump serve kasi rarely lang ako maka encounter ng jump servers kaya hindi ko alam if makakareceive ako nang maayos. Well mas mahirap i-receive ang float serve kasi minsan babagsak na lang bigla yon pero mas may power kasi yung jump serve hindi mo alam if papasok o hindi.
"Go Hans!" may sumigaw sa bench at nung tiningnan ko si Clay pala ito. Tinotoo niya pala sinabi niya. Pwede kasi manood ng try out if you are one the athlete and since varsity siya ng badminton ay agad siya nakapasok. I weakly smiled at him kasi kinakabahan ako at kumaway na rin.
Pumunta ako sa receiving zone. Ito ang una kong i-rereceive na serve. Nang makita ko kung sino ay nanginig ako kung sino ito. Si Lance Fuentes lang naman ang unang mag-seserve at ang gamit niyang serve style ay jump serve. Siya lang naman ang ace player ng Westwood last year. Great una kong pakitang gilas ay baka mapurnada pa.
Habang dini-dribble niya ang bola ay eto ako parang maiihi sa kaba.
"Focus Hans" sabi ko sa sarili ko.
Si kuya Lance naman ay agad binato ang bola sa ere at habang nasa ere ang bola ay sinusundan ko ito. Pinalo ni kuya Lance ang bola na parang nasa front line siya ganon siya kalakas. Kita ko na habang nag-trtravel ang bola papunta sa court kung na saan ako ay lumiko ito sa zone 5 buti na lang I did a little jump para hindi maflat footed so I have a reaction time na pumunta sa zone 5. Mabilis ako pumunta kung saan baba ang bola at tinibayan ko ang stance ko at ang mga kamay ko.
"Fuck" mahina kong mura dahil ramdam ko yung impact ng bola nung tumama sa mga kamay kala mo namaso yung mga kamay ko sa sobrang bigat ng serve. Pagtingin ko na lang pumunta ang bola sa setter's box well hindi ganon kaganda yung receive pero it has a good height and speed para makapwesto yung setter if ever.