Chapter Thirty Six

227 5 0
                                        

Inadjust ko ang knee pads ko and forced my eyes to focus on the court. Ngayon ay hindi biro ang kalaban namin dahil sila Blake lang naman iyon, ang isa sa mga university na makakalaban namin sa UAC. This game will tell us kung gaano kami nag-improve. Across from us was Blake’s team, tall shadows bouncing in warm-ups at mga nagtatawanan.

Then there's Blake. Sitting on the bench, legs spread casually, at ang mga kamay ay nasa bench lang as if hindi kinakabahan man lang sa laban namin. He wasn't even playing this set dahil nakita ko ang line up kanina. Hindi ko alam if ganon sila kaconfident na matatalo kami or isa sa strategy nila. Kahit naman hindi maglaro si Blake ay yung presence lang niya is loud enough for us to not be confident.

The whistle blew dahil simula na ng tune up. Me and Uly is on the libero duties. Salitan kami, I'm on the receive while si Uly ay sa digging.

First serve ng kalaban.

"Let's go, Hans!"

Tumingin ako kung sino ang nagchecheer para sa akin and I don't have to look kung sino dahil kilala ko ang boses niya. Rinig ang boses niya sa buong gym and his clapping echoed. He wasn't cheering for his own team kung hindi para sa akin.

But hindi ko dapat hayaan ang boses niya ang magdikta sa laro ko. Isa lang siyang distraction. Hindi ko rin sure kung ano ang trip ng isang 'yon.

I dropped into a low stance, arms ready. Mabilis ang dating ng bola sa akin but I received it good. My teammates shouted in approval pero ang mga tenga ko ay isang traydor dahil mas narinig ko ang nakalakas na cheer ni Blake sa akin na nasa opposite side namin. Parang nagkaroon ako ng selective hearing bigla.

"Nice one Hans!" Blake. Again.

My heart skipped a beat. He has no business on cheering me on pero heto siya ginagawa iyon. Hindi ko alam bakit niya ginagawa iyon but one thing for sure ay distracted ako.

Grabe ang mga rally. Every time I moved, every time I dropped to the floor, I swore I heard him.

"Good save!"

"You got this!"

"Let’s go, libero!"

And the worst part? Hinayaan ko ang distraction na iyon and it messed my game.

"Hans ready!" sabi ni kuya Kim sa akin para malaman ko kung saan siya pupuwesto.

Too late. The spike crashed down before I could adjust. Hindi ko alam if nayupi ang floor sa sobrang lakas ng spike ng kakampi ni Blake.

Pumito ang ref signalling na time out at nakita ko si coach pala ang nagrequest. We huddled near the bench, sweat dripping, lungs heaving. Kinuha ko ang bimpo ko na nasa waistband ng jersey ko at pinunasan ang mukha ko gamit iyon. I am trying to shake off the sting of missing that last dig.

"Relax, Hans" Coach muttered, tapping his clipboard. "You’re reading the ball right. Para sa spikers natin just tighten up your angle. We’ll cover you. Don’t rush. Yun lang naman"

After ng huddle namin ay pumunta ako sa bench para magpahinga and to regain my focus.

"May pag cheer si Gutierrez" siniko ako ni kuya Justin.

"Kaya nga" I nonchantly said without making an eye contact.

"Your fans club is too loud" he added.

"Grabe, kahit kalaban, kinikilig sayo!" Kris added.

Gusto kong lamunin ng lupa sa kahihiyan. "Shut up" sabi ko pero mas lalo nila akong inasar.

Bumulong sa akin si kuya Justin with a teasing tone. "De kilig ka niyan"

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon