"Blake Gutierrez started following you" yaan ang nag pop out na notif.
Hindi ako makapaniwala naman nag follow back siya.
"Hey" nag message pala siya sa akin
"?" reply ko sa kanya at agad naman na seen. Infairness sa kanya mabilis siya mag reply ah.
"Sorry if now ko lang nabasa message mo. Been busy this week" explain niya.
"Okay lang masyado kang peymus e"
"What's peymus?" oo nga pala hindi kami same ng humor nito.
"Wala bakit ka pala nagchat?"
"Just want to remind you about later" nilike ko na lang message niya kasi wala ako sa mood mag reply sa kanya. Excited naman siya masyado ako makita.
Gumawa na lang ako ng mga assignment ko at nag advance review sa ibang subject ko para may magawa ako. Sa sobrang focus ko ay hindi ko namalayan na 9 pm na pala.
Agad kong kinuha yung hoodie ni Blake, nilagay ko rin sa plastic then nagpaalam ako sa mga kasamahan ko sa dorm na pupunta muna akong 7/11 para bumili ng makakain which is one of my agenda. Hindi ko na sinabi na ibabalik ko yung hoodie ng asungot.
Padating ko roon ay hinintay ko si Blake at mamaya na ako bibili ng pagkain after ko ibigay. Habang naghihintay ay nag scroll lang ako. Tumunog naman ang chimes ng 7/11 kaya tiningnan ko ito at si Blake pala ito.
"Sorry if I am late. May inayos lang" kamot ulo niyang sabi.
"Wow Blake from Trenton right?" biglang sabi ng babae. "Can I take a selfie with you?"
Tumingin muna sa akin si Blake at tinanguan ko. Ewan ko ba rito parang nanghihingi ng approval eh hindi naman ako manager o jowa niya.
"Sorry about that"
"Okay lang" inabot ko sa kanya yung plastic na may hoodie niya.
"Sige alis na ako" nilagpasan ko siya para sana bumili ng makakain ko.
"W-wait" hila niya sa braso ko.
Irita ko siyang tiningnan "What?"
"I want to make it up to you since you said that you waited for me the whole week"
"Wala iyon ano ka ba choice ko iyon amd huwag kang masyadong mahangin dahil may binibili din ako dito sa 7/11" tumingin ako sa ibang direksyon, di ko naman alam bakit kailangan kong mag-explain.
"Okay but I should treat you something" sabi pa niya.
"Ano ka ba no need na tsaka hindi ako gutom" bigla naman kumalam ang sikmura ko nung sinabi ko iyon.
Great what a timing.
"Your tummy says other wise" natatawa niyang sabi.
"May pera ako"
"Please, I don't want to feel guilty about you waiting for me" jusko mapilit talaga itong lalaki na ito.
Kaya sa huli pumayag na ako "Oh sige" naglakad ako sa aisle kung na saan mostly ang mga tinapay.
"Where are you going?" taka niya kaya kumunot kilay ko.
"Di ba ililibre mo ako so namimili ako pagkain ko?" weird ng isang ito sabi niya ililibre ako tapos nung pumipili ako tinatanong anong ginagawa ko. May sapak ata to e.
"A proper meal. I want to treat you to a proper meal"
"Okay na ito tsaka ano oras na wala ka na mabibilhan" patuloy ako pumipili ng tinapay ko.