"Salamat" tinanggal ko na yung seat belt sa katawan ko at lumabas sa kotse.
Nasa harapan na kami ng dorm ko and it is already 11:45 pm.
"No problem at your service sir" nakita ko pa nag gesture siya ng pag saludo.
"Seriously thank you for today" sincere naman ako na sinabi iyon.
"Glad that you like it" ngiti niya. Actually mas gwapo siya pag ngumiti ewan ko rito bakit di ngumiti palagi.
"Yeah ingat sa daan" kumaway na ako sa kanya at hindi ako pumasok habang hindi nakakaalis kotse niya.
"Sino iyon?" tanong ni kuya Ash sa akin habang nagtaganggal ng sapatos ko.
"Sinong sino iyon?" taka ko.
"Yung naghatid sayo. Nag yoyosi kasi ako sa balcony"
"Ah di ba sabi ko sainyo classmate ko"
"Eh yung hoodie kala ko nasoli mo na iyan" ay oo nga hindi ko napansin hindi ko nasoli sa kanya sa sobrang enjoy ko. Si kuya Ash naman lahat napansin.
"A-ah binigay na sa akin" hindi ko nga sure kung ibibigay sa akin o dapat ko pa isoli. Wala na rin ako magawang palusot.
Naligo lang ako at nahiga na rin ako sa kama ko.
"Uy yung hoodie mo hindi ko na soli. Paano ko isosoli?" chinat ko si Blake sa IG. Habang hinihitay ang reply niya ay nanood lang ako international volleyball hanggang sa makatulugan ko ito.
Nag-alarm ang phone ko kaya bumangon na ako kahit gusto ko pa matulog. Same old routine lang bangon, ligo, kain, at alis.
"Una na ako guys" paalam ko sa mga kasama ko na kasalukuyang kumain pa lang.
Habang naglalakad ako sa corridor namin ay biglang may nag pop na notif sa akin. Galing kay Blake pala.
"You should keep it as a token of friendship"
"Are you sure?" baka naman pagbayarin niya ako sa hoodie niya wag na lang.
"Yeah sure" mabilis siya magreply props to him. Pero sineen ko na lang dahil nasa room na ako at magsisimula na ang klase.
Halos buong umaga ay nakikipagbuno ako sa endless equation at lesson na tinuturo ng mga prof namin.
"And that's it for today class don't forget me have a quiz next week. Good bye" umalis na ang prof kaya isa-isa rin umalis mga classmate ko since lunch na.
"Tara kain tayo sa labas Hans" aya ni Clay sa akin habang nag-iinat ako kaya naman sumama na ako kasi ako'y gutom na.
Kumakain ako ng shawarma rice ng biglang may nag notif sa phone at kinuha ko iyon.
"Blake Gutierrez has mentioned you in his story" na curious ako kaya pinindot ko iyon.
Picture siya ng naka focus sa kape habang makikita sa background yung blurred na pic ko habang suot ang hoodie niya. Well naka crop ang mukha ko at konting katawan lang kit but still medjo kinabahan ako kasi baka makita ni kuya Ash eh iba pa naman paalam na kung sino kasama ko kagabi.
Hindi ko na lang inintindi at pinatay na ang phone ko but when I was about to put it in my pocket ay may nag message.
"Aww you didn't repost my story" with sad emoji pa yan from Blake.
"Don't want anyone to see na kasama kita kagabi" sabi ko na lang.
"You don't want to be associated with the great Blake? your lost tbh" kaya tumawa ako.
"Nako delikado na yan kapatid" tumingin ako kay Clay na may takang tingin.
"Ngumingiti ka na message niya na fall ka na ata" ngisi niya