*Alarm rings*
Tiningnan ko ang digital clock ko. 5:30 am ang nakalagay. Puyat pa ako dahil nagtraining kami kahapon tapos after ko kumain ng dinner ay nagreview ako para sa entrance exam ko sa Westwood. Ano oras na rin ako natapos.
May kumatok sa pinto ko.
"Hans are you up?" sabi ni mama.
"Yes" medjo groggy ko pang sabi.
"Bilisan mo dyan alam mo naman traffic ngayon sa gawi ng Westwood"
"Yes ma" kaya agad akong bumangon at kinuha yung damit ko. Inayos ko naman na lahat ng gagamitin ko para sa entrance exam kagabi.
"Fighting!" yaan ang sinabi ko bago ako lumabas ng kwarto ko.
"Oh ayan kumain ka muna para may energy ka sumagot" sabi ni mama kaya agad akong umupo at kumain.
After ko kumain ay pumunta na kami sa Westwood kasama si papa.
Nang makadating na kami sa gate ay tinuro kami ng guard kung saan ang building kung saan ako kukuha. Engineering nga pala kinuha kaya sa engineering building din testing building ko. Actually sobrang pinag-isipan ko yung program ko kasi alam ko naman na sobrang hirap ng engineering tapos isasabay ko pa yung pagiging athlete ko if ever makapasok pero matagal ko na gusto maging engineer kaya pinush ko na tingin ko naman ay kakayanin ko. Hopefully.
"Oh sige na pasok ka na dito lang kami" sabi ni mama habang umuupo sa isa sa bench malapit sa building ko kasi di sila pwede pumasok sa mismong building.
"Good luck anak" pahabol ni papa habang papasok ako kaya nagthumbs up ako sa kanya.
Sobrang lamig ng room na pinuntahan ko plus sobrang seryoso ng atmosphere ng room. Di ko rin sila masisi kasi mahirap pumasok sa Westwood University kasi isa ito sa kilalang university sa bansa from that pa lang alam mo na quality education.
Noong umupo ako ay sakto naman dumating yung instructor. Nagbigay lang siyang instruction about the test.
"Now pass the paper and you may start once you receive your paper. Goodluck everyone"
Sobrang seryoso ako sumagot ng mga tanong at medjo naprepressure kasi parang sobrang daming nasasagot ng katabi ko. Hindi ako nangongopya sadyang kita ko lang sa peripheral vision ko. Nang sure na ako sa mga sagot ko ay pinasa ko na at lumabas ng building.
"Oh musta anak?" tanong ni mama
"Okay naman. Sana pumasa" medjo may kaba sa dibdib ko kasi hindi ako 100% sure sa mga sagot ko.
"May gagawin ka pa ba?"
"Yes pa pwede ba mag roam muna ako rito?"
"Pwede naman hintayin ka namin rito then after punta na tayong mall"
Pwede kasi rito gumala as long as suot mo yung ID mo makakapasok ka sa mga facility nila so you can be familiar with the university kaya saan pa ba ako pupunta kung hindi sa gym nila. Gusto ko kasi makita kung saan nag train yung idol ko.
"Kuya pwede po ba pumasok sa gym?" tanong ko kay kuyang guard.
"Opo sir tap mo lang ID mo" kaya agad ko tinap para makapasok ako sa gym nila.
Medjo malaki yung gym nila kasi isang buong building yon kasi dito lahat nagtrtrain lahat ng athlete. Tiningnan ko pa ang mapa bago ko makita kung anong floor yung volleyball court.
Binuksan ko ang pinto papunta sa court and all I can say is wow. Goosebumps malala ang naramdaman ko. In this same court nagtrain ang idol ko. This court witnessed all the blood and sweat of the great Jesus Hugo. I looked at the banner sa taas. Nakalagay lahat ng championship na napalalunan ng university in terms of volleyball. Sobrang daming banner ang nakasabit. Each banner represents the hardwork of every athlete that trained here. Sayang lang ay nawala ang glory days ng volleyball program ng Westwood.