"Ayoko na" sabi ko sa sarili ko kaya tiningnan ako ni Clay.
"Luh siya kakaumpisa pa lang ng mga lesson natin" kahit natatawa siya ay alam kong may hint siya ng concern sa akin.
"Sana nga Clay makaya ko" naka pangalumbaba lang ako rito.
"Oo naman tsaka nasa adjustment period ka pa lang naman eh makakapag-adjust ka in no time trust me. Ako rin naman nahirapan nung until makuha ko footing ko sa pagsabay sa laro at aral" encourage niya sa akin.
Hindi rin talaga biro ang pagsabayin ang pagiging student at pagiging athelete. Well mamaya pa lang ang training namin pero feeling ko babagsak katawan ko kasi andami pinapagawang course work.
"No Hans kaya mo yan" mentally encourage myself.
After ng klase namin ng hapon ay nagpaalam ako kay Clay para pumunta ng dorm para kunin gamit ko sa training. Medjo hassle kasi yung dadalhin ko pa kasi lumilipat kami ng room minsan and sometimes sa 5th floor pa kaya nakakapagod.
"Now line up by pair" inaya ko si Yuki bilang partner ko. "We will jog for 45 mins around the university. We will not have any drills for now because you need to adjust your body sa training para di mabigla" sabi ni coach Jesus.
"Kapagod" rinig ko reklamo ng mga kasama ko dahil ilang ikot din ang ginawa namin.
Pagkatapos naming takbo ay dumiretso kami sa gym equipment room para magworkout. Cool nga kumpleto mga gym equipment dito kaya nakakagana magworkout.
"I have curated a workout plan for all of you" sabi ni Coach Cholo. "I will demonstrate the proper posture and you don't need na agad mabigat buhatin kasi for sure magsosore yung mga muscles niyo. You don't want any sore muscles right?" explain niya sa amin.
Yung workout ay involve lang ang pagbubuhat ng barbels and some bench press. Pinatalon din kami sa isang box para raw masanay legs namin sa pag talon especially spikers at para tumaas talon. Para rin iwas injuries when the season start.
"You choose if you want some assistance with our PT and if you are okay you can now leave because our session for today is done. Thank you for participating" nagpalakpakan kami sa sinabi ni coach.
Pumunta na rin ako kay PT Steve para maging minimal lang ang soreness ng muscles ko.
Pagdating ko naman sa dorm ay agad ako nakatulog dahil sa pagod.
Nagising naman ako mga bandang 11 pm at sakto na kumalam ang aking tyan. Hindi nga pala ako nakapag dinner at ramdam ko na pagod ng muscles ko.
Hindi naman ako pwede magluto kahit gusto ko dahil tulog na mga kasama ko at ayaw ko gumawa ng kahit anong ingay kaya no choice ako kung hindi pumunta ng convience store.
"Kuya punta lang po ako 7/11" paalam ko kay kuyang guard dito sa dorm.
"Sige pero balik ka mga 12 kasi isasara na yung gate" tumango ako sa kanya. May curfew kasi kami mga athlete kaya nag madali na ako para hindi mapagsarhan ng gate.
Habang pabalik-balik ako sa cup noodles at hotdog dahil hindi ko alam ano ang pipiliin may pumasok na matangkad na lalaking naka hoodie. Basketball player ata si kuya mga 6'4 ft kasi siya. Ano ba pakielam ko sa kanya eh hindi nga ako makapili rito.
Sa huli ay hotdog na lang ang kinuha ko at kumuha rin ako hot chocolate plus some salonpas dahil sa muscles ko. Pagdating sa counter ay doon umacting ang pagiging clumsy ko at nadulas ako. Natapunan ko si kuyang nasa harapan ko.
"Fuck!" gulat nasabi ng nasa harapan at agad tumingin sa akin
"Kuya sorry" agad ako nanghingi ng tissue sa cashier at pinunasan yung hoodie ni kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/359755040-288-k550864.jpg)