"Gisingin mo na Hans si Yuki. Andito na tayo" kaya agad ko na ginising si Yuki na nasa tabi ko. Nakasandal sa akin ang ulo ni Yuki.
"Uy gising na andito na tayo sa dorm" tapik ko sa kanya.
Tapos na kasi ang mini vacation namin and we have to face the reality dahil balik na kami sa pag-aaral at training.
"Let me help you" sinalo ni Blake ang gamit na dala ko kaya nginitian ko siya.
"Thanks"
"Good bye Clay, Yuki, and Hans" sabi ni Blake sa amin. Mauuna siya sa amin while Clay will stay dahil gusto muna niya tumambay bago umuwi.
"Good bye Blake. Kahit ayaw ko makita pagmumukha mo sa mga susunod na araw ay wala naman akong choice" paalam ni Clay sa pinsan niya.
"Aww sobrang sweet mo naman sa akin Clay. For your information the feeling is mutual. Sawa na ako sa pagmumukha mo"
"Good bye din Blake. Una na ako sa taas. Medjo madami pa ako gagawin. I need to catch up on my projects" paalam naman ni Yuki.
Nauna na tumaas si Clay dahil kanina pa niya gustong umihi at Yuki dahil nga madami raw siyang gagawin kaya I am left with Blake.
Binasag ko na ang katahimikan dahil feeling ko ay walang gustong unang magsalita sa amin
"Good bye Blake. Thank you for everything. I really enjoyed our mini vacation. See you around" ngiti ko sa kanya at tumalikod na.
"Hans" tawag niya kaya humarap ako sa kanya.
"What?"
"A-ah nothing good luck on your bronze game. Go get the bronze"
"Oo na hindi na kami nakapasok sa championship"
Biglang nanlaki ang mata niya. "N-no that's not what I meant"
"Chill I'm just joking" tawa ko sa kanya. "Sayo rin good luck sayo and win that gold. It is a tough battle kaya galingan mo"
"Are you going to watch my game? It's okay if you don't alam ko naman na busy ka and maybe after game may gagawin ka pa. You know what j-just forget na tinanong ko iyon." tuloy-tuloy niyang sabi at di siya nakatingin sa akin na parang nahihiya sa mga sinasabi niya.
"Are you going to watch my game?" balik kong tanong na may mapaglarong ngiti sa kanya.
"Yeah that's my plan before preparing for our game" ngiti niya.
"Then I will watch your game"
"Okay good to know. I'll get going"
"Bye Blake and ingat"
Tumaas na ako na may ngiti sa aking labi.Tsaka ko na siguro lalabhan ang mga damit ko dahil medjo pagod din ako.
Pagkaakyat ko ay nakita ko si Clay na feel at home na nasa kama ko while Yuki is in his little corner. Wala din yung dalawang kasama namin.
"See you at the gym at 7 am" chat ni Cap. Lance dahil buong araw kami bukas magtratraining. We have one day left with our break but coach said na ialay na namin yung araw na iyon for training.
"Nabasa mo iyong message ni Capt?"
Tumango ako sa kanya.
"Hay balik na naman tayo sa pagiging student-athlete" reklamo ni Yuki.
"Kala mo naman talaga nag-aaral siya" parining ni Clay while scrolling through his phone.
At iyon ang pagsisimula ng away nila. Ako naman ay tumabi kay Clay dahil antok na ako at hinayaan sila magbangayan.