Chapter Four

879 28 6
                                    

Binasa ko ang mahabang email sa akin ng university at nakita sa dulo ang "You have been accepted to the Westwood university as a freshman"

"Y-yes" hiyaw ko dahil nakapasa ako sa Westwood.

Biglang nagbukas ang pinto ko at andoon sila mama. Si mama may hawak na sandok si papa naman ay baseball bat.

"B-bakit anak?"

"May nangyari ba sayo?"

Sabay nilang sabi kaya natawa ako sa kanila.

"Mama Papa nakapasa ako sa Westwood" inilapit ko sa kanila ang laptop ko para ipakita ang email.

"Congrats anak!" excited na sabi ni mama

"So this call for celebration. Order tayo to celebrate" sabi ni papa kaya ngumiti ako sa kanila.

"Thank you Pa and Ma sa support" my heart is full at this moment.

"Next stop makapasok sa varsity" ay oo nga pala isa pa iyon sa aalalahanin ko.

"Mary pwede ba ipa-enroll mo muna anak natin?" natatawang sabi ni papa kay mama.

"Jose syempre i-mamanifest natin yan di ba anak" naghahanap lang ng kakampi si mama e but I nodded at her.

"Congrats Hans sabi sayo e papasa ka!" sabi ni Ken sa akin.

"Libre libre!" gatong ni Fred.

"Oo na manlilibre na ako"

"Yes so punta tayo sa unli wings?" suggest ni Ken.

"Sige!"

"Ikaw ba Roy nakapasa ka sa Xavier?" tanong ko kay Roy.

"Yeah" parang wala lang sa kanya na pumasa siya e.

"Oh congrats" sabay-sabay naming sabi.

"Oh bakit ako lang manlilibre dapat si Roy din" reklamo ko sa kanila.

"Ok manlilibre din ako kala ko makakalusot e" kaya tumawa kami.

Months have passed and now here we are our last hurrah for our high school year and we will face tougher years---college.

"Hans Andrew C. Romero with highest honors" kaya agad ako tumaas ng stage kasama si mama at papa para i-receive yung medal ko.

Pagbaba ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nag thumbs up sa akin at pumapalakpak kaya ngumiti ako sa kanila. Sabay-sabay lahat ng strand sa graduation kaya nakita ko rin sila Ken dito at bago mag-umpisa ang program ay nag picture kami para remembrance.

"Now Gregorio will serve for the Philippines" nanonood ako ngayon ng laro ng Pilipinas dahil nag lalaro sila ngayon sa ibang bansa. National team ng Pinas versus Indonesia.

Summer ko rin pala pero hindi ako masyadong gala as in taong bahay lang ako.

"It is a good receive from the libero of Indonesia and the setter sets the ball to their middle. Dug by Juan but the the dig is a little off so Tamayo with an  out of system play for Gutierrez and Gutierrez with a down the line and scores!"

Yes kasama na si Blake Gutierrez sa senior team ng Pilipinas ganon siya kalakas, take note siya pinakabata rito. Kakatapos lang ng season ng volleyball pero ngayon naman ay ni-rerepresent niya yung bansa sa international stage. Ngayon sa laban nila ay naghahabol sila pero as usual in game si Blake kaya halos sa kanya lahat ng sets and hindi naman na bibigo yung setter since lahat ng palo ni Blake ay score. Ako napapagod sa kanya actually kasi hindi biro ang talon nang talon you need both stamina and strength para mataas tumalon. Magaling din siyang sweeper pag nasa likod siya kaya grabeng stamina niya tapos nag-jujump serve pa siya. Kaya halimaw talaga ang isang Blake Gutierrez yun yung magdedescribe everytime maglalaro siya.

Nailbiter ang naging laban nila laban sa Indonesia dahil hindi rin bumitaw ang mga Indonesian sa laban. Magaling yung both team evident ito sa mahahabang rally pero at the end Pilipinas pa rin ang panalo and you guess it right ang MVP ay si Blake with a whooping 31 points. Ako naawa sa braso niya kasi hindi biro yung mga spikes niya. Deserve ng masahe ni Blake after this game.

Biglang tumunog ang phone at nakita ang notif na nag-aayang mag laro sila Ken sa court malapit dito at pustahan daw. Normal na lang naman ang pustahan dito at hindi naman ganon kalakihan saktong pwedeng pambili ng malamig na softdrinks after the game at kung ano-anong turo-turo. Pumayag naman na ako kasi since graduate na ako ay wala akong training puro dito lang sa bahay ako nagdridrills kaya it will be a big help para mapreprepare sa try out ko sa volleyball team ng Westwood.

"Nakapag-enroll ka na?" tanong sa akin ni Roy habang inaabutan ako ng tubig kaya tinanggap ko.

Bago ko sagutin ay uminom muna ako "Oo nung isang araw pa"

"Naks isa ka na talagang official woodpecker" pang-aalaska ni Fred.

"Baliw" yun na lang sinabi ko. "Ikaw Roy nakapag-enroll ka na?" tumango naman si Roy.

"Kayong dalawang ugok nakapag-enroll na?" tanong ni Roy sa dalawa. Tumango din naman ang dalawa.

"Kayong dalawa naman pag nakapasok kayo sa varsity team ay huwag kayo makalimot baka naman pag naging famous na kayo kalimutan niyo kaming dalawa" drama ni Ken.

"Sira ka syempre naman kaibigan namin kayo tsaka magkikita-kita naman tayo pag maluwag schedule natin" ani ko.

"Tsaka pa shout out ako pag naging MVP kayo ah" natatawang sabi ni Fred.

Grabe yung faith ng kaibigan ko at magulang ko sa akin na makakapasok ako bilang athlete kaya yun din ang nag fufuel sa akin para lalong galingan sa darating na try out eh.

"Oo naman sabihin ko pa shout out sa gwapo kong kaibigan" umakto si Roy na nasa isang interview.

"Yan ang gusto ko sayo pareng Roy" nag-apir si Ken at Roy kaya umiling na lang ako sa kanilang dalawa.

Sana talaga makapasok ako at si Roy sa varsity kasi talagang pangarap namin iyon.

And the summer is just a bliss. Puro kain tulog lang ako o kaya if mag-aaya silang mag volleyball ay sumasama ako since wala rin naman ako ginagawa sa buhay kesa maburo ako sa bahay.

Sinusubaybayan ko rin pala ang laro nila Blake sa ibang bansa nakapag-uwi sila ng bronze medal which is not bad for them. Nakapag-uwi rin si Blake ng award bilang first best outside spiker kaya may idadagdag na naman siya sa mga trophy niya.

After non ay ilang tulog na lang ay papasok na ako kaya medjo nakaramdam ako ng kaba kasi naman feeling ko hindi pa ako ready to face the reality na college student na ako. Literal na nag cross lang ako ng mga dumating na araw and just like that kinabukasan na yung pasok ko.

Jusko naman sana ay maganda ang araw ko bukas. Westwood University here I come and I am ready to conquer you.


Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon