Chapter Twenty Six

809 23 13
                                    

"Yuki tara na malapit na raw sila Clay" aya ko kay Yuki na ngayon ay nagzizip ng kanyang bag.

Kinuwento ko kasi kela Yuki yung plan namin ni Clay about going to Tagaytay. Then sumama si Yuki kasi wala naman daw siya gagawin and Clay agreed naman na may plus one ako pero hindi ko naman nasabi na si Yuki. I think naman ay okay lang sa kanya.

The plan is to stay for two nights and three days sa isa sa rest house ng pamilya nila Clay sa Tagaytay.

"I am done" ngiti niya sa akin.

"Mga kuya alis na kami" sabi ko sa kela kuya Justin.

"Ingat"

Inalok ko naman sila sumama but they said na they rather spend the "mini vacation" na matulog buong maghapon.

Pagkababa ay saktong pagdating ng kotse nila Clay sa tapat ng dorm. I saw him getting down sa passenger side ng kotse.

Sinalubong niya kami na may kunot ng noo. "Oh bakit may asungot kang kasama"

"Ako ba sinasabihan mo?" Yuki retaliated.

May mapang-asar na ngisi si Clay. "Ewan pero definitely not Hans"

"So ako nga"

"Your words not mine"

"Aba--"

Pinutol ko na agad si Yuki. "Teka nga lang bakit kayo galit sa isa't-isa. May away ba kayo?"

"Wala" sabay nilang galit na sabi.

Tinaas ko naman ang mga kamay ko. "Okay chill lang kayo. Si Yuki sinama ko since wala raw siyang gagawin. Nasaan na pinsan mo Clay?"

"He's coming may kausap lang saglit" tumingin siya sa kotse. "Hmm eto na pala siya"

May matangkad na lalaki ang tumatakbo sa gawi namin. I squinted my eyes para masure kung tama ang nakikita ko kung sino ang lalaking pinsan ni Clay.

"Buti andito ka na" sabi ni Clay sa pinsan niya.

Parehas kami ngayon na may gulat sa mukha ni Yuki at nakatingin lang kay Blake.

"Oh para naman kayo nakakita ng multo dyan" tawa ni Clay sa akin.

"Pinsan mo si Blake Gutierrez?!" tanong ni Yuki na hindi makapaniwala.

"Last time I check oo, di ba Blake?" Clay tapped Blake's back

"Yeah" tumango naman si Blake at nakatingin sa akin. "Suprise!" he gleefully said to us.

"How?" Yuki asked.

"Wow baka pati family tree namin gusto mo malaman?" pagbabara ni Clay kay Yuki. Medjo natawa naman ako.

"Pilosopo"

"To answer you, his father is the sibling of my mother that's why his my cousin. Okay na ba?" explain ni Clay sabay tingin kay Blake. "Kilala mo sila Blake?" tumango lang ang isa.

"Sabagay pare-parehas kayong mga volleyball player"

"Bakit di mo man lang kinuwento sa akin Clay?"

"Ouch Clay bakit hindi mo ako kinukuwento sa friends mo?. Are you ashamed of me?" nag gesture si Blake na nasasaktan kunwari.

Binara lang siya ni Clay. "Bakit importante ka ba?"

"I am your famous cousin Clay tapos hindi mo ako pinapakilala. My feelings is hurt"

"Eh ano naman at mukha naman kayo magkakakilala since maliit lang mundo ng volleyball. Malay ko di ba"

Hindi pinansin ni Blake sinabi niya. "Hi Yuki at Hans. Nice to see you two" nakatitig lang siya sa akin at may malaking ngisi.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon