Agad kong niyakap si Yuki after niya i-kwento ang journey niya sa volleyball na may kasamang iyak.
"Ang tapang-tapang mo Yuki bilib na bilib ako sayo" naiiyak kong sabi. Nag-iba ang perspective ko kay Yuki.
I now see him as someone who is courageous that no matter life throws at you, you just need to get up and face life head on.
"Thank you Hans" kumalas siya sa yakap namin at pinahid niya ang luha niya. "Ano ba yan para tayong tanga dalawa" kaya tumawa kami. Sabay pa kaming nagpunas ng luhang dalawa.
"But I realized that you just need one person to trust you to keep going but for me I have my parents and coach who believed in me that I can do it. Tapos ngayon naman andito na kayo na teammates ko"
"True Yuki always know that I am always at your back" sabi ko."But our next opponent is Preston what will you do?" curious kong sabi.
"Play my game that's it" ngiti niya sa akin .
"Yeah and you have me and the team on your back don't you worry"
Tinaas namin yung beer in can at nagcheers kami ng alak namin. "Cheers to that"
Nagkwentuhan kami kung ano-ano about buhay namin.
"Wait ihi lang ako" paalam ko dahil kanina pa talaga ako naiihi dahil marami na rin kami nainom dalawa.
Pagpunta ko sa comfort room ay umihi lang ako at naghugas ng kamay. Naghilamos na rin ako ng mukha para mafreshen up kahit konti. I looked at my face at halata mo yung pagka puffy ng eyes ko dahil sa pag-iyak.
Pagbalik ko ay nakatalungko si Yuki sa lamesa baka nahihilo na.
"Uy okay ka lang" ginalaw-galaw ko siya ngunit nakarinig ako ng hilik then it strucks me na nakatulog si Yuki.
"Tangina Yuki gumising ka dyan parang awa mo na hindi kita kaya. May pasabi ka pang hindi ka malalasing" inaalog-alog ko siya para magising pero hindi effective. After nang dramahan namin ay tinulugan ako.
Nag-isip ako ng pwedeng gawin para madala si Yuki sa dorm namin.
Sinubukan kong tawagan sila kuya Ash pero di sinasagot yung tawag baka tulog na mga iyon.
"Walang hiya" sinubukan ko rin humanap ng tricycle pero walang dumadaan dito.
"Ano gagawin ko nito?" umupo ako sa side walk sa tapat ng 7/11. Ano gagawin ko with the 6'2 frame ni Yuki bubuhatin ng 5'7 kong katawan. Hindi ko naman pwedeng iwan si Yuki dito at baka ano mangyari may konsesya naman ako kahit kaonti no.
Sa pag-iintindi ko kung paano maiiuwi si Yuki ay hindi ko na napansin na may tao sa likod ko at kinalabit ako.
"Putangina" bigla kong tayo at nagkarate stance. I am really ready to fight kahit hindi ko alam ang karate.
Nakita ko kung sino ang kumalabit at currently siya tuwang-tuwa habang hawak ang tyan niya. Si Blake lang naman ang kumalabit sa akin.
"Tuwang-tuwa?" inis ko dahil napahiya rin ako.
Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya. "You should have seen your reaction"
"Ewan ko sayo" umalis ako sa harapan niya dahil may mas malaki akong problema at literal iyon.
"What happened?" sumunod pala siya sa akin. "You drink?"
"Halata ba?" inis pa rin ako sa kanya.
"Why love problem?" bakit para naman siyang judge matanong.
"Mahabang kwento tsaka uminom lang love problem na agad?" umupo ako sa kubo.
Nagkibit balikat siya. "Maybe because mukhang kakagaling mo lang sa iyak" napansin pala niya iyon. "So what's the problem?"