Chapter Twenty Three

445 19 9
                                    

"Huh?" I dumbfounded look at him para i-confirm ano sinabi niya.

"What I mean is matulog ka rito. Pwede kita hatid but I guarantee you with the amount of rain, the streets are flooded baka tumirik lang kotse" sabi niya sa akin.

"So dito ako matutulog?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Pero wala ako pamalit"

Unprecedented kasi kaya wala ako kahit ano pera lang talaga and phone.

"I can let you borrow my clothes" he suggests.

"Sige" sabi ko sa kanya dahil wala na rin ako magagawa. Hindi naman ako si Storm para macontrol ang panahon.

"Wait here I will look for some clothes" kaya hinintay ko siya na bumalik habang naghahanap siyang pwede ipahiram sa akin.

"Here" inabot niya sa akin yung damit at pumunta na ako sa cr niya.

Habang sinusot ko ay napag-alaman kong jersey niya pala ito na pula. Nakasulat yung surname niya sa likod kaya namula ako dahil suot ko lang naman ang jersey niya. Medjo okay naman sa akin yung jersey niya may kalakihan lang. Sinuot ko na rin yung short na pinahiram niya.

Natawa naman ako sa suot ko kasi mukha akong rapper sa haba ng mga suot ko kulang na lang cap.

"Saan ako matutulog?" tanong ko sa kanya.

"I have a spare room pero if you want tabi ka sa akin" sabi niya sa akin habang nakangisi.

"U-ulul" mas lalo ako naging kamatis.

"You are so red I was just joking. Just chill"

"K" sabi ko na lang at pumunta dun sa spare room niya.

"Good night" sabi ko sa kanya habang nasa pinto siya ng kwarto.

"Good night Hans and you look good in my jersey" ginulo na naman niya yung buhok ko.

Badtrip pano naman ako matutulog kung yung puso ko ayaw tumigil sa paghinto nang mabilis. Ilang ikot kaya gagawin ko bago ako makatulog?

~

"Hans" may gumigising sa akin at bilang mababaw ang tulog ko ay dumilat ako at nagulat na medjo malapit yung mukha ni Blake sa akin.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi pa ako nakakapagtoothbrush nakakahiya kung maamoy niya ang hininga ko. "What?"

"Breakfast is ready. I don't want to wake you up but I have something to do so I don't have any choice" lumayo naman siya sa akin.

"Its okay" I said to him.

"If you are ready you can eat na" lumabas na siya sa kwarto habang ako naman ay nagmumog ng bibig at mouthwash na rin buti na lang may sariling bathroom 'to. Nasa pinto pa lang ako ay naamoy ko na ang mabangong amoy.

"Eat" aya sa akin ni Blake, umupo naman agad ako at kumain.

"Sorry if I wake you up early"

"No, no its okay" ngiti ko sa kanya at uminom ng hot chocolate na gawa niya.

"Diana called me, she's at our home and she wants me there"

"Blake you don't need to explain to me" talaga naman eh syempre girlfriend niya iyon dapat niyang unahin iyon.

"O-okay" pinagpatuloy lang namin ang pagkain.

"Wala ka na naiwan?" umiling ako.

Nasa loob na kami ng kotse niya at tumila na ang ulan pero yung mga kalsada ay baha kaya mabuti na hindi kami tumuloy kagabi.

Tahimik lang buong biyahe namin hanggang sa bumaba ako sa kotse niya. Nagpababa ako sa bahay namin para bisitahin sila mama. Maya na lang ako uuwi sa dorm namin.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon