Chapter Sixteen

870 26 5
                                        

"H-hi Blake" bati ko sa kanya.

"Can we join you since wala na maupuan?" tanong niya habang nakatingin sa aming apat while holding their orders. Tiningnan ko naman ang paligid namin puno na nga.

Bago ako makapag decide ay inunahan na ako ni Ken. "Oo naman" I am sending a death glare kay Ken pero wala naman na ako magagawa nakakahiya tumanggi.

"Hello friends of Hans. I am Blake and this is Dianna" pagpapakilala niya sa kasama niya.

"Hi everyone" hindi makabasag pinggan na sabi ni Dianna sa min. Sobrang hinhin niya sa personal pero halimaw maglaro ng badminton yan.

"We know you two, sinong hindi makakakilala sa inyo" sabi ni Fred.

Wala na ako magawa kaya pinakilala ko sila isa-isa sa dalawa kasi it will be rude not to. We shook hands with them.

"Can we get a selfie with you two?" request ni Ken, hindi pa rin pala niya binibitawan ang ideya ng selfie with Blake.

"Sure we should take it now" nilabas naman ni Ken ang phone niya pero hinawakan ni Blake ang phone dahil siya ang matangkad sa amin.

Ngiting tagumpay ni Ken "Tag ko na lang kayo"

"Okay I'll follow all of you later" sabi naman Blake

"Same" ngiti ni Dianna. Nakakasilaw siya sa totoo lang.

"Yun may sikat na akong follower" sabi ni Ken kaya sobrang hiya ko pero tinawanan lang siya ni Blake.

"Eto kasi si Hans nahihiya pang tawagin ka kanina" makukutusan ko na talaga itong si Ken sa sobrang daldal niya kaya siniko ko siya.

Nagreklamo si Ken, "Aray bakit ka naniniko dyan Hans?"

"Huh? Wala imagination mo lang yon" I am killing him in my mind.

"Why?" tumingin si Blake sa akin.

"A-ano kasi baka nakakaistorbo ako sa inyo baka date niyo" nahihiya kong sabi.

"I am always available" seryosong sabi ni Blake habang nakatingin sa akin.

Mali ata ako nang pagkadinig. "Huh?"

"Now that we are friends don't hesitate to call if you have a request"

Ah buti yun naman pala kala ko naman ano na.

"See ikaw lang Hans e" pahamak talaga si Ken kahit kelan.

Nakipagkwentuhan sila sa amin syempre ang bangka sa amin si Ken dahil siya lang madaldal sa amin. May pakinabang naman ang pagiging madaldal niya dahil nalaman ko na same univeristy nag-aaral ang dalawa at same program. Recently lang pala lumipat si Diana kasi nagtraining siya sa States for badminton. Nalaman ko rin na magkababata sila kaya pala match made in heaven sila. Minsan naman ay nakikisali ako sa usapan para hindi ako ma-out of place.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay tumunog ang phone ni Diana.

"I will answer it lang" tumango naman kami tapos siya ay tumayo.

Nagkwento pa nang nagkwento mga kaibigan ko kay Blake ng kung ano-ano and I think he is enjoying our company. After a while ay lumapit siya sa table namin.

"Blake dad wants to see me na"

"Oh okay" sabi na lang niya. "Guys una na kami. You have been a great company. Thank you" tumayo na rin siya.

"See you two in the court" pahabol pa niyang sabi kaya tumango na lang kami in response.

Pagkalabas ng dalawa ay hindi naman mapigilan ni Ken ang side comment niya, "Ang cool niya no. Ang gwapo pa niya" sabi ni Ken sa amin.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon