Pinalo agad ni Yuki ang bola at agad ito nablock. Nagcover ako sa bola pero sa sobrang bilis ng travel ng bola pababa ay tumalsik sa mga braso ko papalabas.
Tumingin ako sa mga teammates ko at pinanood ko ang mga teammate ko na kung paano habulin yung bola. Nag-attempt si kuya Renz at Capt. Lance pero hindi nila abutan yung bola. I saw how the ball touched the floor.
"Prrt" pumito ang referee at tinaas ang kamay signalling kung kanino ang point which is for Preston. Sumigaw ang mga supporters ng Preston at nagtambol. Pumunta yung mga players ng Preston sa gitna at nagcheer sila. Yung iba ko naman teammates ay tinulungan tumayo yung dalawa.
Tiningnan ko ang braso ko dahil mapula iyon. Kung nacover ko lang nang maayos ang palo ni Yuki ay sana may pag-asa kami. We could have tied it. What sucks is hindi ko natupad yung pangako ko kay Hans na babawian namin yung dati niyang teammates. Naiinis ako sa sarili ko.
Nakayuko lang ako ng biglang may humpas sa likod ko at tiningnan ko kung sino iyon, si Yuki na may malaking ngiti sa mukha na parang hindi niya iniiisip na natalo kami.
"Line up na tayo" hinila niya ako.
"Sorry hindi tayo nanalo" medjo naluluha kong sabi. Nakakafrustrate yung feeling na sobrang confident ko na matatalo namin yung Preston pero hindi nangyari.
"Ano ba may UAC pa hindi dito natatapos yung laro, kaya cheer up Hans" nilagay niya kamay niya sa mukha ko at pinilit ako pinangiti.
Kaya ngumiti ako at pinunasan ang nangigilid kong luha. "You're right babawi tayo" tumango naman siya.
Another motivation ito sa akin na mas galingan pa lalo at this is the last time that Preston will win against us.
"Good game" apir ko sa mga nasa kabila pero hindi nila inapiran si Yuki which made me sad pero si Yuki ay nakangiti lang sa kanila.
Unang pinakanta ang hymm ng nanalo then kami. While singing the hymm ay nakita ko yung pagod ng teammates ko sa laro.
Nagcool down lang kami at pumunta na kami sa dug out. Halata mo yung lungkot ng lahat dahil ramdam mo yung atmosphere sa dug out. Walang nagkukulitan at walang nagtatawanan siguro pagod at dissappointed kaming lahat.
"Oh bakit kayo malulungkot?" si coach pala kakapasok lang. Tumingin kami sa kanya.
"Guys I expect you to held your head up high because you just forced Preston into a 5 thrilling set" motivate niya sa amin. "Remember this is sports you win and you loose. Today we take the L but let's move on and fight for another day.This is only the start and I can see bright future ahead of us. So don't be sad instead make this as motivation to do better" sabi ni coach with a determination on his face.
Sumilay naman yung ngiti sa mga teammates ko then Cap. Lance just stand up. "Tama si coach huwag tayong malungkot gawin natin 'tong motivation to do better next time"
"That's the spirit. With that being said to celebrate your hard work dinner is on me" nagsigawan naman lahat ng teammates ko syempre pati ako. "Yan dyan kayo magaling pag libre" kaya tumawa kaming lahat.
I must say bumalik ulit yung sigla ng team with what coach said and it definitely fired up our spirit for sure.
~
"Ma kain na tayo" nasa mall kami ngayon ng pamilya ko. Since hindi na kami nakakalabas tatlo ay nag-aya si papa, naging busy din kasi kami sa kanya-kanyang ganap sa buhay. Si papa sa work ako naman sa school at training.
"Oo nga Mary tara na nagwawala na ang mga bulate ko sa tyan" hinimas ni papa ang tyan niya kaya tumawa ako.
"Oo na pero Hans titingin tayong sapatos mo pang volleyball after kumain" tumango ako. Swerte ko talaga kela mama dahil supportive sila sa mga ginagawa ko sa buhay. Reward din daw nila sa akin 'to.