PROLOGUE

65 2 1
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, character except SB19, businesses, places, events and incidents in this book are are either the product of my imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Legends:
🔞 - Rated R scenes
⚠️ - Trigger warnings
🎶 - Play the music (para mas ramdam niyo yung scene. Haha)

I'll try to update every week at least one chapter. Hopefully, kayanin. 🤭

---

Hingang malalim, ngiti, tungo. "Opo." "Sige po." "Okay lang sakin." "Pasensya na." Paulit-ulit na sagot para di makasakit ng damdamin ng iba. Pare-parehong sagot para di na humaba pa yung diskusyon. Pano naman ako? Pano naman yung nararamdaman ko?

"Kasalanan mo din yan. Ayaw mo kasing humindi. Perfect ka eh." pabiro pero masakit na sabi ng kambal kong si Camille.

Kinekwento ko kasi sakanya na pagod na pagod yung katawan ko dahil andami kong ginagawa tapos pagod na pagod naman yung utak kong pagkasyahain yung bente kwatro oras para sa mga nakaschedule sa buhay ko.

Napabuga ako ng hangin. "Kala mo kasi madali lang sakin eh." sabi ko tska umirap.

"I-try mo kasi!" sabi niya. "Gusto mo mas maging matapang, di ba? Pagod ka ng kinakaya-kaya ka ng mga tao?"

"Oo nga pero kasi ang hirap. Ang hirap humindi. Pag humindi ako, magiging masama pa ako." sabi ko.

"Magiging masama kanino? Sakanila?? Eh ano naman?? Kung masaya ka naman sa mga ginagawa mo edi anong bearing ng iniisip o sinasabi nila?" sabi niya.

"Buti sayo madali lang." sabi ko.

"Ikaw lang nagpapahirap. Masyado mo kasing iniisip yung iniisip nila." sabi niya.

Nanahimik nalang ako habang inaayos yung kuko ko. Hindi naman kasi ako mahilig magayos. Simple lang ako at low-maintenance lang pero etong kambal ko ang mahilig magayos ayos kaya nilibre niya ako magpaacrylic nails.

"Okay na po." sabi nung nail tech.

"Thank you po." sabi ko sa nail tech tapos tumayo na siya at umalis.

Pagtapos namin magpaayos ng kuko, ililibre ko daw muna ng pagkain tong si Cams kaya nagdecide akong magdinner sa malapit na restaurant. Pinapunta ko na rin si Gian, yung boyfriend ko.

"Pulang pula naman tong pinili mo, Cams tska ang haba." sabi ko habang nakatingin sa kuko ko.

"Ano ka ba? Okay lang yan tska mahaba? Tignan mo nga akin." sabi niya tska inangat yung kamay para ipakita yung kuko sakin. "Teka magkikita ba kayo ni Gian?"

"Oo. Andun na siya sa resto." sabi ko.

"Ahh okay." sabi niya.

Pagkarating namin sa resto, andun na si Gian kasama si Mat at Rachel, mga katrabaho namin.

"Babe!" bati ni Gian sakin tska lumapit at bumeso. Nginitian ko sila Mat at Rachel para pagbati. "San kayo galing?" tanong niya.

"Nagpaayos ng nails." sabi ko.

Kinuha niya yung kamay ko para suriin tska bahagyang ngumiti. "Masyado naman atang mahaba? Para kanino ka nagaayos?" sabi niya.

Nagpilit ako ng ngiti. Away nanaman to mamaya. "Di ba pwedeng nagayos para sa sarili niya??" singit ni Camille.

Ngumiti nalang si Gian tska umupo. "Umorder na kami ng pizza at iced Americano para sainyo." sabi ni Rachel.

"Mmm." I said with a fake smile.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon