Cara's POV
Nagising ako at nilibot ko yung mata ko. Nakita ko si mamang na nakadukdok yung ulo sa gilid ng kama ko.
"Mang." mahina kong tawag.
"Oh, gising ka na pala." sabi niya tska umupo ng maayos.
"Mang, ano pong ginagawa niyo dito?" sabi ko.
"Nabalitaan ko yung nangyare sainyo ni Ken kaya bumyahe ako agad." sabi niya.
"Kamusta po si Ken?" tanong ko.
"Okay lang pero di pa siya nagigising." sabi niya.
"Ilang araw na po ba kaming andito?" tanong ko.
"3 araw na." sabi niya.
"Bakit daw po di pa siya nagigising?" tanong ko.
"Hindi ko naintindihan yung sinabi ng doktor, nak. Basta ang alam ko malala yung tama sakanya nung lason." sabi niya.
Saglit akong natulala at nagflashback yung mga nangyare. "Pasensya na, mang. Kasalanan ko pong nangyare yun kay Ken." papahina kong sabi habang nagpipigil ng luha.
"Cara, anak, hindi naman ikaw ang lumason sakanya di ba?" tanong niya. "Bakit ikaw ang humihingi ng pasensya?" sabi niya.
"Kasi po mama ko yung gumawa non sakanya." sabi ko.
"Hindi mo yon kasalanan. Tignan mo, kahit sayo ginawa niya din yon." sabi niya.
"Pero sorry pa din po dahil ako yung dahilan non." sabi ko at tumulo na nga yung luha na kanina ko pa pinipigilan.
Niyakap niya ako at tinapik-tapik yung likod. Kahit nakaramdam ako ng sakit sa braso ko, ininda ko na yun dahil mas kelangan ko yung yakap ng isang ina.
"Wala kang kasalan. Wag mo pahirapan yung sarili mo. Magigising din si Ken. Nagpapahinga lang siguro yung katawan niya kaya ganon." sabi niya.
Tumungo-tungo nalang ako. Iginiya niya ako palayo sakanya at pinunasan yung mga luha ko. "Gutom ka ba? Gusto mo munang kumain?" tanong niya.
"Sige po." sabi ko.
"Sabaw yung ulam nila dito. Teka lang. Kukuhanan kita." sabi niya.
Bumalik siya na may dala-dalang mga pagkain. Hinain niya yon at sinubuan pa nga ako dahil di ko pa masyado magalaw yung isang braso ko.
Maya-maya lang ay dumating yung mga pulis. "Ms. Cara Madrid?" tanong ni Chief Bañez.
"Yes po?" sagot ko.
"Pwede po ba kayong makausap?" seryoso niyang sabi.
"Pwede po bang sa sunod na araw nalang? Kagigising niya lang kasi. Kelangan niyang magpahinga." sabi ni mamang.
"Hindi, mang. Okay lang po ako. Tungkol saan po ba?" tanong ko.
"Nahuli na po namin yung mama mo, gusto ko lang po sana itanong kung itutuloy niyo po ang pagkaso sakanya?" sabi niya.
"Chief Bañez, asan po siya ngayon?" tanong ko.
"Naka detain po siya ngayon saming facility." sagot niya.
"Kamusta naman po siya?" tanong ko.
"Sa totoo lang po, mukang hindi na po niya alam yung katotohanan. Kadalasan niya pong tinatawag yung mga gwardya ng pangalan na sa tingin ko ay tatay niyo." sabi niya.
Hinawakan ni mamang yung kamay ko.
"Hindi po ba siya pwedeng dalhin sa psychiatric facility kesa sa kulungan?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...