VII - Pool Day

32 2 2
                                    

I've been receiving a lot of follow and message request since SB19 Official posted the photos I took. Dumadami din nagiinquire sa page ng studio which is great. Mas naging busy nga kami dahil don.

I received the details for their MV shoot. It was a 3 days 2 nights production somewhere sa Batangas kaya excited ako. I will be spending my birthday kasama yung iba sa mga staff ko plus SB19 and their staff, too. Kuya Yani provided us an accommodation pero I booked a different room para sa mga iba sa staff ko dahil nakakahiya naman kung ipapasagot ko pa sakanila.

Di ako makatulog the night before dahil sa sobrang excitment. Napagusapan nga din namin ni Ken yung about sa location ng MV shoot dahil ang tagal ko nang hindi nagbabakasyon. Sobrang excited na talaga ako. Call time was at 6 am sa office ng SB19 since magcconvoy nalang kami. Di naman ganon kalayo yung byahe. Dinala ko na yung sasakyan ko tapos sinabay si Camille, Cons, at Daniela tas yung ibang staff sa van na sumabay na si Jake ang nagdrive.

We arrived at the location nang mga 7am. May one hour free time kami bago yung breakfast so I decided to walk on the beach pagtapos ko magayos ng gamit sa kwarto. Dapat talaga magkakwarto kami ni Camille pero dahil diva siya, nagbook siya ng ibang room. Nakasalubong ko sila Cons, Daniela, at Jake.

"Sama kayo? Maglalakad-lakad lang ako." sabi ko.

"Sama ko." sabi ni Jake.

"Magpipicture muna kami don, boss. Pang IG." sabi ni Daniela.

"Okay." sabi ko.

Umalis na sila Daniela at Cons. Naglakad naman kami ni Jake papuntang beach. Pag dating namin sa beach tinanggal ko kaagad yung slippers ko para mafeel yung sand.

"Hay, ang saya." sabi ko.

"Ang calming ng dagat noh?" sabi niya.

"Oo nga eh." huminga ako ng malalim. "Ang bango ng dagat."

"Ano palang plano mo sa birthday mo bukas, boss?" tanong niya.

"Wala. Work tayo bukas. Yaan mo na yung birthday. Madami pa akong susunod na birthday." sabi ko.

Natawa siya. "Oo nga naman."

Tahimik lang kaming naglalakad. Nakakarelax talaga ang dagat for me. Nung pabalik na kami ng resort, nakasalubong namin sila Stell, Jah, at Ken.

"Uyy, san kayo galing?" sabi ni Stell.

"Naglakad-lakad lang sa beach." sabi ko.

"Tara, breakfast na daw." sabi ni Jah.

"Tara, Jake." sabi ko.

Sabay sabay na kaming naglakad papuntang buffet breakfast. Binigyan ako ni Jake ng plato.

"Thank you." sabi ko.

Nauna siya sa pila kaya binibigyan niya ako ng pagkain. Nung nasa may chicken area na kami biglang sumingit sa harapan ko si Ken.

"Pasingit." sabi niya.

"Bawal." sabi ko.

"Edi bawal." sabi niya. Palakad na sana siya paalis pero hinila ko yung jacket niya.

"Joke lang. Dito ka na. Matampuhin naman." sabi ko.

Bumalik siya sa pila. Nung umusad na yung linya, siya na yung naglalagay ng pagkain ko sa plato. Nung makakuha na kami ng pagkain, kinuha niya yung plato ko.

"Kuha ka ng drinks. Dalhin ko na to sa table natin." sabi niya.

"Ah, sige." sabi ko.

"Kape sakin, please." pa-baby niya.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon