A/n:
Mmm! Ayan may pawarning nanaman ako ah. This chapter is rated R kaya pass muna pag ayaw mabasa. Delulu responsibly 😉
Ken's POV
Kanina pa si Cara sa table nila Stell. Di din ako makaalis-alis dito dahil kinakausap ako nung mga dancers.
"Ken, ano sa tingin mo? Okay ba yon?" tanong ni Kim.
"Ha? Ahh, oo." sagot ko kahit di ako nakikinig.
Nakatitig lang ako kay Cara na tawang tawa sa mga jokes ni Stell. "Kim, sorry. Okay lang bang tanggalin mo yung kamay mo? Ang init kasi." sabi ko.
"Ayy, sorry. Ang hot kasi natin." biro niya sabay hampas sakin.
Nagpilit nalang ako ng tawa. "Uhm, kuha lang ako pagkain ha?" sabi ko.
"Sige lang." sabi ni kuya Jay.
Naglakad ako sa may mga pagkain at dumampot ng chicken. Naupo ako sa tabi ni Cara.
"CR lang ako ha?" sabi niya tska tumayo at naglakad.
Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang makapasok sa CR. "Lagot." sabi ni Josh.
"Bakit?" tanong ko habang ngumunguya.
"Di mo alam?" tanong ni Jah.
"Ano meron?" sabi ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Suson." sabi ni Stell na nakakrus ang mga braso sa dibdib at umiiling.
"Bakit nga??" tanong ko.
"Final na ba yan?" sagot ni Josh.
"Ang alin ba?" tanong ko.
Lumabas na si Cara sa CR. "Goodluck, par." sabi ni Josh sabay tumayo tska tinapik yung likod ko.
"Chicken na ba talaga yung last meal mo? Tsk. Tsk. Tsk." sabi ni Jah at tumayo na din.
"Suson. Suson. Suson." sabi ni Stell.
"Bakit nga??" tanong ko uli.
"Sana makalabas ka pa ng buhay." sabi niya at tumayo na rin.
Lumapit si Cara sa table at kinuha yung bag niya. "Uwi na ko." walang gana niyang sabi.
"Alis ka na? Sabay na tayo. Magpaalam lang ako kay-"
"No, you can just take a Grab going home." sabi niya.
"Grab??" tanong ko.
She looked at me with a sharp look and walked away. Tumayo ako at pinunasan yung mga daliri ko habang nakasunod sakanya.
"Cara." tawag ko.
Lumingon siya pero humarang si Kim sa daan. "San punta?" tanong niya.
"Ah, sorry. Kakausapin ko lang si-" Nakita kong naglakad na uli si Cara kaya tinawag ko siya pero di na siya lumingon pa.
"Sorry, Kim." sabi ko tska dumaan sa gilid niya at patakbong lumabas.
"Cara, huy." sabi ko. Binilisan ko yung paghabol sakanya.
Hinawakan ko yung braso niya dahilan para mapalingon siya. "Ga, bakit??" tanong ko.
Binawi niya agad yung braso niya. "Ken, baka may makakita." sabi niya at naglakad na.
"Ano nga? Bakit aalis ka na agad?" tanong ko.
"I'm tired." sabi niya.
"Osige. Lika na. Uwi na tayo." sabi ko.
"Wag na. Magstay ka na dito." sabi niya.
"Ga naman." maktol ko.
"Ken. Just go!" irita niyang sabi.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...