Tawa ako ng tawa sa pinapanood ko. Ang sakit na ng tiyan ko kay Stell at Justin. Syempre kahit na tuwang tuwa ako sakanila, nakatitig pa din ako sa bias ko. Hayyy, Ken. Ang gwapo mo talaga. Bakit ang tahi-tahimik mo? Ano kayang nasa isip mo? Napailing ako para ibalik ang sarili ko sa katotohanan. Asa naman akong makakausap ko si Ken sa totoong buhay. Gising gising, Cara! Pinagpatuloy ko nalang yung pinapanood ko. Nakangiti nanaman akong matutulog neto.
Isang linggong busy sa trabaho dahil nakafile ako ng leave sa anniversary namin ni Gian. Ginawa ko na lahat ng dapat gawin para di na ako abalahin ng mga katrabaho ko sa leave ko. Ganon din sa mga utos nila mommy at daddy para di na ako kulitin. Alam ko naman na sasaluhin ako ni Camille pero para di na din siya maabala pa.
"Babe, what time ka mag-out?" tanong ko kay Gian.
"Malalate ako ngayon, babe. May gagawin pa kasi ako." sabi niya.
"Ha? Nagawa ko naman na lahat." sabi ko.
Pareho naman kaming hotel manager ni Gian kaya pareho lang kami ng tinatrabaho.
"Ah, hindi. Iba to. May inaalagaan kasi akong guest. Mauna ka na." sabi niya.
"Mmm, okay. See you tomorrow?" sabi ko.
"Yes, yes." sabi niya tska ako hinalikan.
"Bye." sabi ko.
"Chat ka pag nakauwi ka na ha?" sabi niya.
"Yes, babe." sabi ko.
Pumunta na ako sa parking lot tska sumakay sa sasakyan. Nakita ko si Rachel na nagaantay sa parking lot.
"Uy, kanina ka pa nakaout ah. Sino inaantay mo?" nakangiti kong tanong.
"Ahh, wala. May nakalimutan lang kasi ako." sabi niya.
"Ahh, sige una na ako." sabi ko.
"Ingat." sabi niya tska kumaway.
Pagkauwi ko nagchat na ako kay Gian. Hindi ko alam bakit but I have this uneasy feeling. Parang pinipiga yung tiyan ko. Baka sobrang excited lang ako for tomorrow kaya humiga na muna ako at nagscroll sa fan account ko. Naiinggit ako sa ibang A'tin online friends ko na makakapunta bukas. Hindi naman kasi ako makakapunta dahil anniversary din namin ni Gian pero syempre mas matimbang si Gian. Makikita ko din kayo soon. Makikita din kita, Ken.
Pagkagising ko, nagchat na ako agad kay Gian. Hindi pa siya nagrereply kaya nagayos muna ako ng mga gamit. Balak kasi namin mag staycation sa isang hotel. Malapit nga lang yun sa Araneta kaya mas lalo ako naiinggit pero okay lang yun.
Mga tanghali nung bigla nalang dumating si Gian sa bahay. Hindi na siya nagchat dahil gusto niya daw akong isurprise. Sasakyan na nga ni Gian yung ginamit namin at dumeretsyo na kami sa hotel. Medyo nastuck pa nga kami sa hotel dahil sa traffic. Baka dahil din to sa concert ng SB19.
"Ano ba namang traffic to!" iritang sabi ni Gian.
"May concert ata kasi ngayon yung SB19." sabi ko.
"Mga pesteng SB19. Dinadamay pa buong ka-Maynilaan." sabi niya.
"Ano namang kasalan ng SB19?" natatawa kong sabi.
"Nagpaconcert concert pa sila. Sino ba kasi mga yan?" sabi niya.
Di na ako nagsalita at tumingin nalang sa phone ko. Pagkarating sa hotel, nagcheck in na kami at dumeretsyo na sa room.
"Happy anniversary, babe." sabi niya tska humalik sa noo ko.
"Happy anniversary, babe." may malawak na ngiti kong sabi.
"Ligo muna tayo bago tayo bumaba para sa dinner reservation." sabi niya.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...