IV - Revenge Era

25 1 1
                                    

I didn't see Gian, Mat, or Rachel nung nag hand in ako ng resignation. Well, good. Ayoko din naman sila makita. Huling balita ko, si Mat nalang yung nagwowork sa hotel. Hindi ko alam kung tinanggal sila or umalis sila. Don't know and don't care. Nakahanap na din kami ni Camille ng condo. 3 bedrooms na yung kinuha namin para tag-isa kami ng kwarto tapos yung isang room guest room/walk-in closet ni Camille.

Naghati kami sa deposit dahil rent-to-own na yung kinuha namin. Mas okay na yun kasi kung magdecide man kami ni Camille na kumuha ng sari-sarili naming condo in the future, pwede naman namin iparent to. Mabuti na din yun kasi I was able to set aside a few more peso para sa plano kong studio.

I have to use my time wisely kasi may timeline na ako para sa studio ko. I really planned this out dahil alam ko sasarili ko na kaya ko. I just needed to focus. I'm giving myself 3 months para aralin pano patakbuhin yung studio, online works and sa physical studio kasama na yung pag manage ng mga tauhan tapos 3 months to find a place, renovate it to how I would like it, and finalize everything. 6 months from now, I'll have my studio. I'm claiming it now.

Marami-rami akong mga inayos na papeles for the studio. Business permits, contracts, and all the legalities. I had to hire a few people din to be in my team. Of course, si Camille ang resident stylist ko. I hired Jake para sa online presence namin like website and socmeds. I hired Constance, Cons as she preferred to be called and Daniela para sa aming glam team and a few others.

After 5 months of hardwork, I opened my own photo studio. Napaaga ng isang buwan dahil mabilis ko din naman natapos yung renovation ng studio. Buti nalang at kasama ko so Camille. I invested my all in this. Pera, pagod, at oras. Sugal na kung sugal but I know this is my chance. I can feel it.

I invited mommy and daddy para sa grand opening pero hindi sila nag RSVP. Okay lang naman sakin since I invited them para lang wala silang masabi. We invited some A-lister social media influencers and a few big celebrities. Actually, I sent out an email to SB19'S management pero they never responded. Pwede naman mangarap di ba? Gusto ko kasi uli makita si Ken. I would just like to thank him sa ginawa niya. I really owe my life to him. Ang dami nilang ganap pero ni isa di ako nakapunta dahil ang daming schedules at mahirap iwanan yung trabaho lalo pa bago pa lang yung studio.

After a year since nung naghiwalay kami ni Gian, gamit na rin nung connections namin ni Camille, nakapagbukas na ako ng photo studio. Nakapag establish na din ako ng presence ko sa photography community at nakapag showcase na din ako multiple times ng mga photos ko sa kilalang museums and art conventions. Nakapagshoot na ako ng iba-ibang celebrities, may it be for special events or glam shots lang and most of the photos were featured in magazines and were viral online, kahit yung mga videos. Umalis na din si Camille sa work niya and made styling a full time job. She became one of the promising stylist of the year. Sino bang makakaisip na yung kaartehan niya eh mapagkakakitaan pala namin?

After focusing on myself, panay blessings na yung dumating sakin. I learned how to say no, I learned how to decline, I learned how to be independent and do things on my own. I'm genuinely happy. Ken, I'm genuinely happy. I took your advise and it worked.

Habang nagtitingin ako ng emails ko, a very interesting subject line caught my eyes. "MV shoot for SB19" Hindi ako makapaniwala. Napalunok ako ng ilang ulit bago ko binuksan yung email. They want to hire me and the entire team to shoot SB19's album concept photos and yung MV nila for their soon to be released song. I can't stop smiling and hindi ko alam yung irereply ko.

"Oh, ang saya mo ata jan, boss?" sabi ni Daniela.

"Sasabihin ko sainyo pag final na pero I'm so excited for this." sabi ko.

"Ano yan?" tanong ni Cons.

"Basta. Pag final na malalaman niyo agad." sabi ko.

I sent a reply email. Nilagay ko lahat ng details don, yung portfolio ng works ko, and yung terms ko pero to be honest, I'll gladly do it for free. Hello! SB19 to! Makikita ko sila? Baka ako pa magbayad sakanila. Sana talaga machoose. Halos di na ako makatulog kakaantay ng email nila. Kinakabahan ako. What if ayaw nila yung terms ko? What if hindi nila gusto yung portfolio ko? Andaming what if kaya talagang napuyat ako sa kaiisip.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon