VI - Instagram

32 2 1
                                    

Cara's POV:

Nagising ako ulit na pawis na pawis. Pangalawang beses na to. My heart was racing and I was crying. Lagi nalang ganto yung panaginip ko kapag may sakit. I tried calling Camille pero baka tulog pa siya. Ang hirap magkasakit ng mag-isa. Usually si Camille yung yumayakap sakin pag ganto yung panaginip ko dahil di ko talaga macontrol yung pag nginig ng katawan ko. Madalas talaga nagwawala ako sa pagtulog pag nagkakasakit ako dahil sa panaginip ko. I saw Ken's number. Tatawagan ko kaya siya? I pressed the green button and it rang and rang pero wala naman sumagot. I tried it again but wala talagang sumagot. I hugged myself and tried deep breaths. Eventually, nakatulog na din ako.

Nagising ako na sobrang bigat ng katawan ko at barado ang ilong. Halos di ko na kayang tumayo or even lift a finger. Pinilit kong tumayo para kumuha ng cup noodles at magpainit ng tubig. Uminom na ako ng gamot after kong kumain. Biglang nagring yung phone ko. Si Ken tumatawag.

---

Ken's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Halos pikit mata kong inabot yung phone ko para tignan kung nagmessage si Cara. Napamulat ako ng mata nang makita kong nagmisscall siya ng dalawang beses. Napaupo ako at tinawagan siya.

"Hello?" paos at mahina niyang sagot.

"Napatawag ka? Kagigising ko lang." I said with my morning voice.

"Okay na." sabi niya.

"Ano ba yon?" tanong ko.

"Uhm, wala. Okay na." sabi niya.

"Ano nga yon?" tanong ko.

"Ano... Ah, D-dinalhan na ako ni Jake ng pagkain. Magpapabili sana ako sayo kasi hindi pa pala ako nag grocery. Di kasi ako makabangon." sabi niya. Jake?? Who's that? Umirap nalang ako.

"May sakit ka pa?" tanong ko.

She just hummed and sniffed. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

"Mmm-mm. Kanina. Kumain muna ako bago uminom." sabi niya.

"Okay, good. Wala pa yung kambal mo?" tanong ko.

"Next week pa yon." sabi niya.

"Ano pang kelangan mo jan?" tanong ko.

"Grocery pero okay lang i-grab ko nalang." sabi niya.

"Wag na. Punta na ako jan after ko mag grocery." sabi ko.

"Okay lang, Ken. Wag na. Maaabala pa kita. Baka marami kang gagawin." sabi niya.

"Wala akong gagawin ngayon." sabi niya. "Sige na, bye." tska ko pinatay yung phone.

Tumalon si Kuro sa kama kaya binuhat ko siya at hinalik-halikan. "Di ko alam bat ko to ginagawa, Kuro." sabi ko. Nagmeow lang siya.

Gumayak na ako pagtapos ko maligo. Nagsuot ako ng white hoodie at sweatpants. Syempre di mawawala yung cap at mask ko. Dumaan ako sa grocery ng mga pagkain. Di naman ako marunong magluto kaya mga instant food lang yung binili ko. Dumaan na nga rin ako sa favorite ramen shop ko na malapit lang naman sa condo para bumili ng pagkain. Naisip ko kasi mas magandang mainit at masabaw yung kainin niya. Umakyat na ako sa unit niya. Kakatok na sana ako ng maalala ko na di nga pala siya makabangon kaya chinat ko siya.

Ken
Anong passcode mo?

Cara
1116

Nilagay ko yun at nakapasok naman agad ako. Nilagay ko sa dining table yung mga binili ko. Narinig kong nagbukas yung pinto niya tska siya lumabas na nakabalot ng kumot hanggang sa ulo.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon