XXXV - Sumpaan

15 2 7
                                    

Cara's POV

Pagkarating namin sa bahay nila Ken, nilaro muna nila mamang si Asher tska naman ako inayusan ni Cara.

"Dahil di pa ready yung gown mo, eto muna." Naglabas siya ng puting casual dress at veil na gawa gawa niya lang. "Biglaan naman kasi kayo ni Ken." sabi ni Camille.

"Ewan ko ba sakanya. Biglaan din siyang nagdecide kagabi akala ko nga nagbibiro." sabi ko.

"Yaan mo na. Excited maging misis ka eh." sabi niya.

Ngumiti nalang ako at inayusan na niya ako. Pumasok si Jah sa kwarto. "Oh, regalo ni Ken." sabi niya.

"Ha? May regalo siya? Di ako prepared." sabi ko.

Inabot niya sakin yung box na puti na naka tali ng ribbon. Binuksan ko yon at agad na naluha.

"Pinaayos niya yan tapos tinago." sabi ni Jah.

Nilabas ko yung camera ko na nabasag non. Pinindot ko yung button at natuwa ako nang gumana yon. Nangilid yung mga luha ko.

"Wag kang umiyak, sayang make up mo." sabi ni Jah.

"No, waterproof yan so umiyak ka lang." sabi ni Camille.

Pinunasan ko yung mga luha kong nangingilid. "Pasabi sakanya thank you and I'll see him sa altar." sabi ko.

"Eto pala galing saming apat." sabi ni Jah tska nagbigay ng sobre.

"Ano naman to?" tanong ko.

"Buksan mo nalang." sabi niya.

Binuksan ko yung sobre at nakalagay don yung papeles about sa 1Z. "Teka ano to?" tanong ko.

"Jan sa may sticky note." sabi niya.

Binasa ko yun at muli nanamang naiyak. "Seryoso kayo??" tanong ko.

"Dahil panganay na anak ng 1Z si Asher, binibigyan namin siya ng shares para sa future niya. Alam ko naman magiging wise kayong mag-asawa about it." sabi ni Jah.

"Huy, ano ba? Kami lang to." natatawa kong sabi kahit na tumutulo yung luha ko.

"Weh ba? Totoo??" tanong ni Camille habang binabasa yung papeles. "Asan ba si Stell? Pasabi nga kung ready na siya magkaanak, ready na din ako."

Hinampas ko siya sa braso. "Bakit?" tanong niya.

Natawa nalang si Jah. "Oh sige na. Babalik na ako." sabi niya.

"Jah, wait papicture kami." sabi ko tska ko inabot yung camera ko.

"Okay. 1, 2, 3, smile." sabi niya.

"Ikaw na din kumuha ng mga pictures ha?" sabi ko.

"Ako? Osige." nagdadalawang isip niyang sabi.

"I trust you, Jah. Maganda ka kumuha ng picture." sabi ko.

"Nakakapressure naman yan coming from a world renowned photographer." sabi niya.

"Grabe sa world renowned. Lalaki ulo ko niyan." biro ko.

Natawa nalang kami. "Osige na. Aalis na talaga ako at maglilibot-libot." sabi niya.

"Thank you, Jah." sabi ko.

"Justin, yung pinapatanong ko kay Stell ha?" sabi ni Camille.

Tumungo nalang si Jah na nagpipigil ng tawa. "Alam mo ikaw..." sabi ko.

"Di pwedeng ikaw lang." biro niya.

Pumasok si mamang sa kwarto na pinagaayusan ko. "Ang ganda ganda mo naman, nak." sabi niya.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon