XXXVIII - Inside the Mind of a Criminal

13 2 2
                                    

⚠️

Jake's POV

First day of work. Buti nakahanap pa ng trabaho. Good decision talaga na lumipat ako after ng incident na yon. Kung di dahil sa bwisit na boyfriend niya na yon.

"Hi, Jake. Happy first day of work!" sabi ng boss kong si Cara tska nag abot ng bulaklak.

Napakamot nalang ako sa batok. "T-thank you, boss." sabi ko.

"Wag ka mahiya sakin. Cara nalang." sabi niya at tinapik yung balikat ko.

Napatingin ako sa mga kamay niya at dumeretsyo sa mga maamo niyang mata ang tingin ko. Ang ganda ganda niya. Ngumiti pa siya kaya mas lalo akong nahumaling sakanya.

Magsimula non lagi ko na siyang binabantayan. Nalaman ko din yung address niya nung minsang sinundan ko siya pauwi at madalas ko siyang sinasabayan sa pag pasok at pag uwi ng di niya ako nakikita.

Madalas akong nagiiwan ng mga pagkain at bulaklak sa apartment niya. Araw-araw din siyang may regalo sakin. She deserve everything.

"Boss, juice oh." sabi ko tska inabot yung box ng cranberry juice na alam kong paborito niya dahil lagi siyang bumibili pag naggrocery siya.

"Aww, thank you dito, Jake. Labyuuu." sabi niya.

Napangiti nalang ako. Lagi niyang sinasabi sakin yon kaya mas lalong tumataas yung hinala kong nahuhulog na siya sakin. I love you too. I love you so much. Soon, Cara, magkakasama din tayo.

Mabait si Cara sakin pero pagtapos ng shoot niya with SB19, nag-iba na si Cara. Iba yung ngiti niya lalo na dun sa Ken. Naiinis ako at kumukulo yung dugo ko pag nagkikita silang magkasama. Sa twing nilalapitan ni Ken si Cara parang gusto kong baliin yung mga kamay niya. Gusto ko siyang sakalin hanggang mawalan siya ng hininga. Naiimagine ko yung muka niya habang nakapalibot yung mga kamay ko sa leeg niya. Di ko napansin napapangiti nalang ako.

Nagresearch ako about sa SB19 at nalaman kong marami silang hater lalo na si Ken. Dapat lang dahil sa mga nahalungkat ko sa past niya. Di ko hahayaan na makuha niya si Cara sakin kaya gumawa ako ng account na gumagaya sa hater group ng SB19, yung Legion. Para din sayo to Cara, hindi magandang maassociate ka sa taong kagaya niya. Kung alam mo lang yung mga issue niya. Hindi mo siya deserve.

---

Kanina pa ako pabalik balik ng lakad dito sa parking lot pagtapos ko sila sundan. Bakit kasi pinaakyat pa ni Cara si Ken sa condo niya?? Baka kung anong gawin niya kay Cara. Napasuntok nalang ako ng malakas sa poste sa inis. Hindi ko maimagine anong ginagawa nila sa condo.

Hindi na ako umalis sa building niya hanggang kinabukasan. Nakita ko nanamang umakyat si Ken sa condo niya pero di na lumabas hanggang sa sumunod na araw. Tangina! Ano bang ginagawa nila sa condo niya?? Nagiinit na yung ulo ko. Ken, mapapatay talaga kita.

---

Birthday na ni boss at excited akong makasama siya. Naglakad lakad muna kami sa beach at naenjoy ko naman yon. Gusto kong hawakan yung mga kamay niya habang naglalakad pero nahihiya ako.

Okay na sana kaso nakasalubong pa namin tong si Ken. Nababadtrip na ako dito. Basta talaga nakikita ko siya gusto ko siyang sakalin, yung mawawalan na siya ng hininga para matigil na siya kakalapit kay Cara.

Nung magkalasingan na, hinanap ko si Cara at nakita ko sila ni Ken sa dagat na magkasama. Pinapanood ko lang sila habang nakayukom yung mga kamao ko sa galit.

Napaawang nalang yung bibig ko ng makita kong naglapat yung mga labi nila. Tangina! Saglit ka lang, Ken. I'll make your life hell!

Pagbalik namin ng Manila, laging may padalang pagkain si Ken kaya di na nakakain ni Cara yung mga binibigay ko. Kasalanan lahat ni Ken to. Kung di siya dumating sa buhay ni Cara di siya magkakaganto. Pasensya na Cara pero kelangan kitang turuan ng leksyon.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon