XIV - Danger

25 2 3
                                    

Cara's POV

Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko kaagad yung muka ni Ken. Magkaharap kami ngayon at nakayakap sa isa't isa. Dahan-dahan kong nilapit yung katawan ko sakanya at humalik sa labi niya. Hindi naman siya nagising kaya ngumiti nalang ako.

Mabagal akong umalis sa kama at nagunat bago sinilip yung phone ko. Laking gulat ko nang makitang magaalas-otso na pala. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Ken. Agad na nag-meow si Kuro at sinalubong ako.

"Morning, Kuro baby." sabi ko tska ako lumuhod sa sahig para yakapin siya. "Gutom ka na?" tanong ko at hinalik-halikan siya. "Lika na. Hanap tayo ng pagkain." sabi ko tska ko siya binuhat.

I heard Ken chuckled kaya napalingon ako. "Look, daddy's awake. Hi, dada!" sabi ko habang kinakaway yung paws ni Kuro.

"Morning." sabi niya with his morning voice.

Dinipa niya yung kamay niya asking for a hug kaya lumapit kami ni Kuro. Kinulong niya agad kami sa bisig niya at humiga ulit.

"How are you?" tanong niya.

"Mmm, good." sabi ko tapos humalik sa pisngi niya.

Nag-meow uli si Kuro. Kinamot ni Ken yung tiyan niya. "Babangon na ko. Kelangan kong pumunta sa studio." sabi ko.

He just hummed and freed me from his arms. Kaya tumayo na ako at dinala na si Kuro sa kitchen. Binaba ko siya sa counter.

"Ga, san yung pagkain ni Kuro?" tanong ko.

"Nasa baba. Sa left side." sabi niya.

Binuksan ko yung cabinet at kinuha yun. Nilagay ko sa bowl niya yun at binaba ko na siya sa floor. Binuksan ko yung fridge ni Ken. May itlog, noodles at hotdog. May bread din. Kelangan na pala mag grocery. Mamaya nalang bago ako umuwi.

"Ga, may schedule ba kayo ngayon?" tanong ko.

"Oo pero 1pm pa." sabi niya habang palabas ng kwarto.

Nagpainit na ako ng tubig sa electric kettle para sa kape at gatas tapos sa kaldero pang luto ng noodles.

"Mag ggrocery nalang ako mamaya." sabi ko.

"Samahan sana kita kaso baka gabi na kami matatapos." sabi niya.

"Okay lang." sabi ko.

"Ako na magluluto jan. Maligo ka na. 9 ka papasok di ba?" tanong niya.

"Mmm." sabi ko.

"Sige na, may traffic pa. Malalate ka." sabi niya.

Tumungo nalang ako at kinuha na yung gamit sa kwarto tska naligo. Pagtapos ko maligo at magayos, nakapagprepare na din si Ken ng almusal. Nakaupo siya sa dining chair at nakatulala kaya hinayaan ko nalang siya. Nilagyan ko ng egg yung tinapay tska uminom ng gatas.

"Alis na ko, ga." sabi ko.

"Hatid na kita sa baba." sabi niya.

Kinuha niya yung cap at mask niya tska hinatid ako sa sasakyan ko. "Ingat ka, ga." sabi niya.

"Ikaw din, ga." sabi ko.

"Yung passcode pala sa pinto 1216 tas eto spare key." sabi niya.

Tumungo-tungo nalang ako. "Sige na. Bye!" sabi ko.

Pinaandar ko na yung sasakyan at kumaway naman siya pag-alis ko.

---

Ken's POV

Bumalik na ako sa condo. Sinalubong ako ni Kuro sa pinto kaya binuhat ko siya. "Ang cute ng mommy mo noh?" sabi ko tska ko siya hinalik-halikan. Binaba ko siya uli at naupo sa sofa at nagcellphone. Napalingon ako sa kama at biglang nagkaroon ng flashback sa mga nangyare kagabi. Napangiti nalang ako.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon