Cara's POV
Nagising ako sa tawanan ng mga tao sa labas ng kwarto. Lumingon ako sa kama at nakitang mahimbing na natutulog si Ken sa tabi ko. Dahan dahan akong tumayo para di siya magising at walang ingay na lumabas.
Lahat sila napatingin sakin at tumahimik. Agad na lumapit sakin yung mama ni Ken at yinakap ako. It was warm and she held on for a long time. Hinahaplos niya yung buhok ko making me teary eyed. Nung bitawan niya ako, hinawakan niya yung magkabilang braso ko at tinignan sa mata.
"Magiging ayos lang lahat, hmm? Magtiwala ka lang sa Diyos." sabi niya.
Tumungo nalang ako at ngumiti habang pinipilit na wag tumulo yung mga luha sa mata ko. Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ng bahgya.
"Lika na. Kain ka na." sabi niya.
Hinila niya ako papunta sa dining table kung asan yung apat. "Kain na, busog na busog na kami." sabi ni Pablo habang hinahaplos yung tiyan.
Mahina akong natawa. "Oh, nagluto ako ng bulalo para mainitan naman yung tiyan mo." sabi ni tita.
Sinandukan niya ako ng sabaw at nilagay sa tabi ng plato ko. Siya na din ang naglagay ng kanin sa plato ko. "Thank you po." sabi ko.
"Sige na, magpakabusog ka." sabi niya.
Ngumiti nalang ako at nagsimula kumain. "Etong si Ken, di pa bumangon." sabi ni tita.
"Hayaan mo na, mang." sabi ni ate.
"Andito na lahat siya nalang ang tulog." sabi niya at pumasok sa kwarto namin.
Nakita kong tinapik niya si Ken. "Felip, gising ka na jan. Bangon na ka." gising niya.
Bumalikwas lang si Ken at tumalikod kay tita pero hinila ni tita yung unan niya at niyugyog si Ken.
"Bumangon ka na jan. Aba!" sabi niya.
"Mang!" iritang sagot ni Ken.
"Bangon na!" pagalit niya.
Lahat kami sa labas natatawa na. "Si tita lang makakapagpatayo jan agad. Kahit anong gising mo jan wala eh." sabi ni Stell.
"Dapat tignan niyo kung pano gisingin ni tita para alam niyo pano gisingin si Ken." sabi ni Josh.
Natawa nalang kami nung bumangon si Ken na halos nakapikit pa yung mata. Padabog siyang naglakad at sinuot yung hood bago tuluyang umupo sa dining chair. Nakabusangot at pinagkrus pa yung mga kamay sa dibdib.
"Coffee?" tanong ko.
Tumungo lang siya. "Ako na." sabi naman ni Jah at pumunta siya sa kitchen.
"Kumain ka na jan, Felip." sabi ni tita.
Nakatulala lang si Ken at hindi gumagalaw. Mapungay ang mga mata niya at nakasimangot pa rin. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung mga pisngi niya.
"Kain tayo tas matulog tayo uli." sabi ko.
Ngumiti na siya at tinry imulat ng maayos yung mga mata niya. Umiling-iling siya para gisingin ang sarili. Hinawakan ko nalang yung kamay niya.
"Asukal mo... este kape mo." asar ni Jah habang binababa yung baso sa table.
"Thank you, Jah." sabi ni Ken at yumakap pa pagilid kay Jah.
"Aayusin ko na tong kwarto ha? Magpapalit ako ng mga punda at bedsheet." sabi ni tita.
"Ay okay lang po. Ako na." sabi ko.
"Wag na. Jan ka na. Magpahinga ka na." sabi niya at nagsimula ng tanggalin yung mga pillowcase.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...