XXXI - Lukso ng Dugo

18 2 8
                                    

🎶 Bless the Broken Road

Ken's POV

"Akala ko sabi niya-"

All the signs led to my realization. Anak ko nga si Asher. First, sabi ni Cara boss niya lang si Mr. Wei. Second, Cara was gone for 2 years so it's adding up. 9 months niya pinagbuntis si Asher and 1 year old na si Asher ngayon. His name is literally my name, Kenjie. Wait. Sabi niya Kenjie Acher Tutchon. Suson! Bulol lang siya! She still gave him my last name so gusto niya pa din ako sa buhay ng anak namin.

This instant connection with this kid is making my theories more possible. Eto ba yung lukso ng dugo? Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung tatanungin ko na ba, I mean, if she's ready she would've told me, right? She wouldn't purposely keep Asher from me. I would like to believe na hindi ganon si Cara.

My heart is just so happy right now looking at her na nakikipagtalo sakin. I missed her and knowing that she's the mother of my child, mas lalo ko lang siyang gustong pauwiin na.

I kissed her forehead. If you're not ready, I'll wait pero hindi na kita papakawalan pa. You and Asher are my priority now.

Naupo muna ako sa couch after ko magayos at sinandal yung ulo ko sa headrest. I'm so happy hindi ko maipikit yung mata ko. Gusto ko sila ulit silipin pero baka magising ko sila. Kumukot nalang ako at pinikit yung mga mata.

Nagising ako sa hagikgik ni Asher. He was playing his toys na binili ko on the floor.

"Asher, where's nanay?" I asked in my bedroom voice.

"Shh, nanay's sleeping." sabi niya.

Tumayo ako at dahan-dahan na binuksan yung pinto na medyo nakaawang na. Tulog pa nga siya. Hinawakan ni Asher yung kamay ko at hinila ako palayo sa pinto.

"No, nanay's tired." sabi niya.

"How did you open the door, Asher?" tanong ko.

"Piyow." sabi niya.

"Pillow?" tanong ko.

"Yeah." sabi niya.

"Why didn't you wake up nanay?" tanong ko.

"She's tired." sabi niya.

What a sweet boy. I'm proud of you, anak and I'm proud of your nanay for doing a great job of raising you. Ginulo ko nalang yung buhok niya.

"You want breakfast?" tanong ko.

"Mmm." sabi niya ng di tumitingin sakin.

Sakto naman ding may kumatok kaya dali dali kong binuksan yung pinto. Pag bukas ko, si Ate Bea na nakaayos na yung sumalubong.

"Ken, tara na breakfast." sabi niya.

"Ate, may sasabihin ako." sabi ko.

"Ano yon?" tanong niya.

Hininaan ko yung boses ko. "Wag ka magugulat." sabi ko. Tinignan niya lang ako. "Feeling ko anak ko si Asher."

Bumuga siya ng hangin. "May duda na ako, to be honest. He's the spitting image of you, Ken." sabi niya.

"Talaga ba? Magkamuka kami?" nakangiti kong sabi.

Tumungo siya. "Anong balak mo ngayon?" tanong niya.

"Ewan ko, ate. Di pa naman nacoconfirm ni Cara." sagot ko.

"Balak mo ba siyang tanungin?" sabi niya.

"Oo naman pero alam ko namang sasabihin niya pag ready na siya. Although torn ako kasi baka mamaya tumakas nanaman siya." sabi ko.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon