II - Plans

26 2 0
                                    

In less than two weeks, nakapag send out na sila mommy ng invitations. Sila na nagasikaso ng guest list since sila naman ang pinakamaraming guest. I really just wanted Camille, Mat, and Rachel since sila lang naman ang friends ko. Mommy and daddy agreed to pay for half of the expenses namin sa kasal tapos kami naman ni Gian napagdesisyunan na kanya-kanya na kami sa mga gastusin. Sa susuotin niya and sa mga groom's men niya, siya na gagastos. For my gown, ako na din gagastos. Sa remining half ng gastusin para sa kasal namin, maghahalf kami ulit.

Hindi ko na din inabala yung parents ni Gian sa gastos sa kasal since sila mommy naman ang nag volunteer at wala namang pilitan. Kinukulit nga ako ni Cams na kulitin si Gian about it pero ayoko kasing pag-awayan pa namin.

Gusto ko pumunta yung SB19 sa kasal namin to sing pero asa naman ako na kaya ng budget ko yon noh?? Tska kung gugustuhin ni Gian. I doubt it. Di pa rin talaga mawala sa isip ko na possibly si Ken yung nameet ko that day. Ginagaslight ko pa din yung sarili ko.

2 nights before our wedding date, nagplano yung mga friends ni Gian na magkaroon ng bachelor's party kaya sinurprise din ako ni Camille at Rachel ng bridal shower. It wasn't so grand. Spa day lang at kain sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Camille.

"Thank you talaga, babes, dito sa pa-bridal shower niyo." sabi ko.

"Oo naman, you're finally getting married. Hindi talaga ako nagdoubt na magiging kayo ni Gian hanggang dulo." sabi ni Rachel.

"Di mo sure." biro ni Camille.

"Baliw." sabi ko.

"Eto naman, napakabitter. Magpapakasal na nga sila eh. Happily ever after na to." sabi ni Rachel.

"Well, congratualtions my dear sister. I can't say I'm happy with your groom but I'm happy for you." sabi ni Camille.

Biglang tumunog yung phone ni Rachel. Ngumiti lang siya tas tinignan yung phone niya.

"Di mo yan sasagutin??" tanong ni Camille. "'Baby' pa nakalagay. Jowa mo yan noh?"

Ngumiti nalang si Rachel. "Sagutin mo na. Nahihiya ka pa samin. Di nga namin alam na may jowa ka eh." sabi ko.

"Oo nga." sabi ni Camille.

Ngumiti si Rachel. Tinitigan namin siya kaya sinagot na niya yung phone niya. "Hello, baby? Kasama ko sila Camille at Cara yung mga friends ko." sabi niya.

"Now na ba? Mmm, sige." sabi niya tska niya pinatay yung tawag.

"Nako, mukang miss ka na ng jowa mo. Sige na." sabi ko.

"Sorry ha? Biglaan din." sabi niya.

"Sige lang. Bye." sabi ko. "Ingat ka."

"Yes, yes. Enjoy, babes." sabi niya.

"Hmmm... something fishy." sabi ni Camille.

"Bakit?" tanong ko.

"May something sa jowa ni Rachel. Ayaw niya sagutin tapos sinabi niya pa pangalan natin. Either kakilala natin or kilala na niya tayo." sabi ni Camille.

"Paranoid ka lang." sabi ko.

"Hindi eh. I really smell something fishy." sabi ko.

"Sa tingin mo ba si Mat?" sabi ko.

"Baka." sabi niya.

Natapos na kaming kumain. "Hatid mo pala ako sa hotel, may kukunin lang akong papers dun." sabi ko.

"Nako, tama na trabaho. Ikakasal ka na in two days. Maawa ka naman sa sarili mo." sabi niya.

"Saglit lang to. As in." sabi ko.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon