XXVIII - Glimpse of Hope

23 1 10
                                    

Ken's POV

"Okay, so may schedule ka na for your tour." sabi ni ate Bea.

"Mm-hmm." sabi ko.

"Ken." tawag niya.

"Mmm?" tanong ko ng hindi tumitingin sakanya at naka tutok lang sa phone.

"Ken, naririnig mo ba ako?" tanong niya.

"Oo, ate. Sabi mo may sched na ako for the tour. Anong countries ba?" sagot ko.

"Okay, good. Sa local Manila, Baguio, Cebu, Davao, and Bicol. 1 week apart each." sabi niya.

"Okay. International?" tanong ko.

"May pinagpipilian kaming tatlo. Singapore, Malaysia, and Hong Kong." sabi niya.

"Hmm, nakapunta na ako sa Singapore at Malaysia so alam kong may fan base na ako don. Hong Kong hindi pa so hesitant ako. Wala bang Japan, ate? Gusto ko bumalik sa Japan." tanong ko.

"Hmm... we'll consider." sabi niya.

Tumungo nalang ako. Pagtapos nung meeting namin, nakipag meet ako dun sa apat para daw mag hang-out.

"Ano? Kamusta?" sabi ni Josh habang nakikipag apir.

"Ayos lang." sabi ko.

"Musta pagpplano ng tour?" tanong ni Pablo.

"Ayos lang." sabi ko.

"Hirap kausap ni Ken. Panay 'ayos lang'." biro ni Stell.

"Anong sasabihin ko? Eh ayos lang naman talaga??" sabi ko.

"Eh yung kay Cara?" tanong niya.

Di ako sumagot. "Di mo pa din pinapatigil yung private investigator?" tanong ni Jah.

Umiling lang ako. "Dalawang taon na ah? Wala naman atang ginagawa yon." sabi ni Pablo.

Saglit kaming tumahimik. "Si Camille pala uuwi na." sabi ni Stell.

"Aba, updated ah? Ano na ba status niyo?" asar ni Pablo.

"Magtigil ka nga, Pablo." iritang sabi ni Stell.

"Wala pa din ba siyang balita kay Cara? As in di nagparamdam sakanya?" tanong ni Jah.

"Never daw. Nagaalala na din daw siya." sabi ni Stell.

"Hay nako. Si Cara talaga dapat tinatali dahil flight risk. Ken, pag balik ni Cara itali mo na agad. Please lang." sabi ni Pablo.

"Pag nakita ko siya uli, di ko na siya papapakalwan pa." sabi ko.

"Grabe naman yun." sabi ni Stell.

"Par, dalawang taon na siyang ayaw magpakita. Pag nagpakita yon malamang miss na ko." sabi ko.

"Ang yabang, grabe!" sabi ni Jah.

"Kaya pag nakita ko siya, di ko na talaga siya papakawalan. Pagkakita ko pa lang sakanya iuuwi ko na siya." sabi ko.

Natawa nalang silang apat. "Ikaw, Josh? Anong balak mo? Ipapakilala mo na ba yung girlfriend mo?" sabi ni Pablo.

"Soon." sabi niya.

"Nako, mukang malapit na tayo magka long table ah?" sabi ni Stell.

"Girlfriend pa nga lang. Di ko pa alam pano siya ihahard launch." sabi ni Josh.

"Maiintindihan ka naman ng A'tin." sabi ni Stell.

Madalang na kaming magkita ng mga kapatid kong to. Nagprogress na din yung careers namin. Halos naka focus na kami sa kanya kanyang solo careers pero syempre SB19 pa din kami kahit na may mga ganap kami as solo artists.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon