🔞 ng very light lang. So read at your own risk.
---
Cara's POV
Di na lumabas si Ken pagtapos naming bumalik ng resort. Di rin naman siya umiinom kaya di rin niya maeenjoy. At ayun na nga, nagsimula na ang kwentuhan at inuman. Ang ingay ni Stell at James. Akala mo nakalunok ng mic. Nakaupo lang ako sa gilid habang umiinom. Lumapit sakin si Jake.
"Boss, ang tahimik mo naman." sabi niya.
"Ha? Wala naman akong ambag jan." natatawa kong sabi.
"Kahit anong kwento lang." sabi niya.
"Anong ikkwento ko?" sabi ko.
"Oo nga, Miss Cara! Magkwento ka naman!" sabi ni James.
"Ikwento mo yung panget mong ex-fianceé!" sabi ni Camille na alam kong may tama na.
"What? You were engaged??" tanong ni Jah.
"Oo. Noon." sabi ko.
"Anong kwento?" tanong ni Stell.
"Wala naman. Typical lang na kwento. He cheated on me with my bestfriend. Our bestfriend ni Cams." sabi ko.
"That bitch!" sabi niya.
"Camille." sita ko. Tinignan niya lang ako at nag peace sign.
"Siya ba yung kinekwento nung lobbist na muntik suntukin ni sir Ken?" tanong ni Daniela.
"May ganon palang ganap??" gulat na sabi ni Camille.
"Ahh, oo. Nung pumunta sa studio. Kukunin daw akong photog sa kasal niya." sabi ko.
"Ang kapal ng muka." sabi ni Stell.
"Sobra." sabi ko.
"E bat susuntukin ni Ken??" tanong ni Jah.
"Kasi muntik akong sampalin. Actually, at the later part ng relationship namin nananakit na siya physically." kwento ko.
"Pero nagstay pa rin siya. Tanga, di ba?" sabi ni Camille.
"Grabe siya oh." sabi ni James.
"Pero totoo naman." sabi ko. "Buti nalang nauntog ako."
"Buti nalang." sabi ni Jake.
Natahimik sila ng saglit. "Huy, Debby Downer. Sabi sainyo wala akong ambag sa kwento kwento na yan kasi malungkot buhay ko." sabi ko.
"Nako, okay lang yan. Madami din kaming hinanakit sa buhay." sabi ni Josh.
Tumahimik na ako tapos nag iba na sila ng topic. Uminom nalang ako in quiet. Actually, I just realized that I never gave my time to grieve from that heartbreak. Minadali ko yung sarili ko na magopen ng studio. Nagfocus nalang ako sa pagopen ng studio hanggang sa nawala na sa isip ko. Kaya nung nakita ko si Gian sa studio, it opened up a lot of unhealed wounds. Naiinis ako na siya, ikakasal na. Malamang sobrang saya na niya. He moved on from what happened tapos ako eto, mag-isa. Narealize ko nalang na sobrang guarded na ako to the point of being hyper independence. Kaya nga ako nagkakasakit dahil sinasarili ko lahat dahil sa tingin ko kaya ko naman gawin or hindi ko naman kelangan ng ibang tao. I also don't trust easily anymore. Hirap akong magtiwala sa intentions ng ibang tao kahit na tinutulungan lang nila ako. I just want to go back to being me bago ko nakilala si Gian. I was so kind pero nareremind nalang ako sa sinabi ni Ken, pwede akong maging mabuti ng hindi nagiging mabait.
I took a bottle of tequila with me and walked down to the beach. Wala lang gusto ko lang maging sad girl. I sat down at the beach and natulala sa kawalan. I laid down and covered my eyes with my arms. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...