🎶 Flyyy - Player Two ft. Felip
A week went by quickly. Bumalik na muna ako sa condo namin ni Cams pero habang nasa condo ako ni Ken mas lalo kaming nagkakilala at mas maraming nalaman about sa isa't isa.
Naghanap na rin nga kami ng condong malayo sa condo niya ngayon pero malapit pareho sa studio ko at studio nila Ken. Tska na ako lilipat pag nakahanap na kami dahil we decided to move in together. Sabi kasi ni Ken sakin, he can protect me better kung magkasama kami. So far, wala naman na kaming naramdaman na sumusunod sakin or like I'm in danger.
We celebrated his birthday by renting a club just as he said. He sang his new song, yung pinarinig niya sakin. Madami ding mga A'tin na andon kaya di kami masyado nagkalapit ni Ken but nagenjoy din naman ako nun at nalasing. Nakakahiya na nakakatawa yung mga pinaggagawa ko but Ken was there taking care of me secretly.
Sobrang happy niya lang na makita akong nageenjoy na kahit siya yung may birthday. Binigyan ko siya ng electric guitar as a gift.
"Thank you, ga. You didn't have to." sabi niya habang sinusuri yung regalo ko.
"Happy birthday!" sabi ko.
"Friends lang talaga kayo?" tanong ni Pablo.
"Oo nga." sabi ko.
"Pero nakatira sa iisang lugar? Ay, titira pala sa isang lugar?" sabi niya.
"Oo nga." sagot ko uli.
"Sure kayo?" tanong niya ulit.
"Oo nga!" sabay naming sabi ni Ken.
"Odi okay." sabi niya tas nagtawanan naman kami.
After the party, nung wala na yung mga A'tin he held my hand and pulled me to the dance floor. Sumayaw lang kami and he was even showing me some dance moves. Nakakatawa lang kasi kami nalang yung nasa dance floor at yung iba either umuwi na or lasing na. I enjoyed it so much. I enjoyed dancing with him on the dance floor.
Natulog ako sa condo niya nung birthday niya. We also had a watch party nung MV drop nila. Nakakamiss din mag fan girl sakanila kaya kahit na ako yung gumawa ng MV, kinikilig pa din ako sakanila.
"Sino bias mo?" tanong ni Ken.
"Bias?" kunyare pa akong nagiisip.
"Sino nga?" sabi niya na nakangiti.
"Si Josh." sabi ko.
Sumimangot siya bigla at pinagkrus yung mga kamay sa dibdib.
"Cute. Syempre, ikaw. Tinatanong pa ba yan??" sabi ko.
"Josh pala ha?" sabi niya.
"Eto joke lang eh." sabi ko at giniya yung muka niya palapit sakin tska ko siya hinalikan.
Medyo nabusy si Ken para sa pagprepare sa tour nila dahil 2 months lang yung preparation nila and okay lang din naman sakin kasi nakakapagfocus ako sa studio. Medyo madami na nga din kasi akong backlog sa work pero nakapag celebrate kami ng Valentine's day amd Kuro's birthday by watching on Netflix and ordering food sa condo.
Sinamahan ako ni Ken sa isang psychotherapist para sa nangyayare sakin. I've been having a few therapy session already and I guess I'm starting to get better hindi lang sa trauma na nakuha ko sa crazy fan na yun but also yung kay Gian.
We're addressing my hyper independence na reason kung bakit sinasarili ko lahat. Recently, pinapaopen up ako about my parents pero di ko alam bakit di ko kaya magopen up about them.
Sinabay na din ni Ken yung driving lesson niya kaya sobrang tight ng schedule niya. Madalang na kaming nagkikita pero lagi niya akong pinapadalhan ng pagkain sa studio.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...