XVI - Tour

20 2 1
                                    

Cara's POV

Nakalipat na kami sa condo. We had a send off party para kay Camille and a few days after that, hinatid na namin siya sa airport.

"Ingat ka dito ha? Tawagan mo ko pag nalungkot ka. Tawagan mo din ako pag hindi maayos yung trabaho ng mga tinrain kong stylists, ako kakaltok sakanila." sabi niya.

Tumutungo nalang ako dahil sa grabeng iyak. "Tahan na ah. Pano ko aalis kung umiiyak ka." sabi niya.

Pinunasan ko yung muka ko. "Sorry." sabi ko.

"Uuwi uwi naman din ako or ikaw bumisita sakin don. Okay?" sabi niya.

"Okay." sabi ko.

"Ken, ikaw na bahala sa kambal ko ah? Pag eto sinaktan mo itatago ko to sa US. Bahala ka. Tska pagtiyagaan mo pagtopakin." sabi niya.

"Ako na bahala." sabi ni Ken.

"Boss, ingat ka don." sabi ni Cons.

"Mamimiss ka namin." sabi ni Daniela.

"Kayo din. Mamimiss ko." sabi ni Cams tska yumakap sakanila. "Sige na. Sige na. Bye na!"

"Bye, Cams!" paalam ko.

After a few days pagalis ni Cams, nagstart naman yung tour nila Ken. Syempre, dito sa Manila pa naman yung first concert nila kaya nakanood ako. Sumama ako sa mga SB19 moms. Syempre, matinik ang A'tin kaya balita agad yung pagpunta ko. Nakakaloka pala pag ikaw yung nasa otherside. Hahaha! Dati kasi ako yung nagseselos.

Naenjoy ko yung first concert ko. He sometimes looks at me and smiles. Nakakakilig! Enjoy na enjoy ko mag fangirl! Syempre trabaho pa din even nandoon. I took a lot of photos and posted it to my fan account. Mukang di pa naman nakakatunog yung A'tin na ako yun kaya enjoy ako sa pagpost.

After every con, meron silang free time kaya nagfocus ako sa studio at nagsstay naman si Ken sa studio nila. I was able to go to all their concerts dito sa Pinas and finally tapos na sila sa local tour.

"Asia tour na kayo next week noh?" tanong ko.

He just hummed habang nakahiga sa kama at nakatakip yung braso sa mga mata. "Are you okay?" tanong ko.

"Lalagnatin ata ako." mahina niyang sabi.

Tumayo ako agad at kinuha yung thermometer. "Lagay mo to. Oh." sabi ko tska inabot sakanya.

Nilagay niya yon sa kili-kili niya at nung tumunog tinignan niya agad. "38.1" sabi niya.

"May lagnat ka. Pahinga ka muna. Tanggalin mo na muna yang jacket mo." sabi ko.

"Nilalamig ako." sabi niya.

"Suotin mo mamaya. Babanyusan lang kita. Wait lang. Kuha lang ako bimpo." sabi ko.

Bumalik ako na may dalang bimpo at maligamgam na tubig sa basin. Dinampi-dampi ko yun sa balat niya. Pagtapos ay patayo na sana ako pero hinila niya ako sa kama at niyakap agad.

"Dito ka muna, please." sabi niya.

Ngumiti nalang ako at hinayaan siyang ikulong ako sa bisig niya. Nararamdaman ko yung init ng katawan niya at yung init ng buga ng hininga niya sa leeg ko.

Nang marinig ko yung mahina niyang hilik, dahan dahan akong tumayo. Hinaplos ko yung muka niya at hinila yung kumot niya pataas hanggang sa balikat. Inayos ko yung bimpo at binalik sa CR.

Tinawagan ko si Camille para magpaturo magluto ng sabaw sa kung anong meron sa ref. Buti nalang meron akong ingredients ng pang nilaga. Nilagay ko yun sa mga food container para bukas immicrowave nalang ni Ken. Kelangan kasi ako sa studio bukas dahil meron akong mga clients.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon