Over the past few days, sobrang busy ako sa mga clients namin. Andami ding mga pending projects kaya todo overtime ako. Paminsan-minsan, nagpapalitan kami ni Camille sa admin works pero dahil may mga solo projects na din siya kaya di ko rin pwedeng ipaasikaso sakanya. Gaya ngayon, nasa Hong Kong siya para sa isang event ng client niya.
"Boss, ano pa mga kelangan mo para sa shoot today? Wala naman akong ginagawa." sabi ni Jake.
"Sige nga, Jake. Para di ko na poproblemahin mamaya. May kelangan kasi akong ipick up. Eto yung address." sabi ko tapos sinulat ko yung address sa papel.
"Sige boss." sabi niya.
"Tas daan ka nalang ng pagkain para sa shoot mamaya." sabi ko.
"Sige, I got you." sabi niya.
"Thank you, Jake. Labyu na sobra." biro ko.
Ang bait-bait talaga ni Jake sakin. I mean mabait naman lahat naman ng staff ko pero si Jake, talagang hands on siya. Weird nga eh. Siya yung online ang trabaho pero siya yung pinakamaraming ginagawa sa studio. Lagi niya kasi sinasabi na pwede naman niya gawin mamaya yung mga kelangan niyang gawin or minsan tapos na niya lahat. Magaling talaga si Jake sa trabaho niya.
Habang nag aayos ako ng schedule, pumasok si Cons sa office. "Boss, may naghahanap sayo sa lobby." sabi niya.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Kakilala ka daw niya." sagot niya.
"Mmm? Babae o lalaki?" sabi ko.
"Lalaki." sabi niya.
Tumayo na ako at inayos yung itsura ko. Naglakad na ako palabas ng office at pumunta na sa lobby. Ang lawak ng ngiti ko nung makita ko si Ken at si Ate Bea sa lobby.
"Ken, Ate Bea, anong ginagawa niyo dito?" sabi ko.
"Dinrop off ko lang si Ken. Nako, ayaw papigil." sabi ni Ate Bea. "Aalis din ako agad kasi may kelangan akong asikasuhin. Ken, behave ka ha?" parang batang dinrop off sa school si Ken.
Inirapan lang ni Ken si ate Bea. "Oh siya, Miss Cara, ikaw na bahala." sabi niya. "Sunduin ko nalang siya mamaya."
"Sige, ate. Pag makulit, papaluin ko." biro ko.
"Hindi na kami nakapag appointment pero kung may freetime ka pwede bang may ipapakita ako sayo? May naisip lang kasi ako out of nowhere." excited na sabi ni Ken.
Kasabay nang paglabas ni ate Bea ang pagpasok ng tila masamang spiritong nag ngangalang Gian.
"W-wala pa naman akong shoot. 4pm pa. Pasok ka muna sa office ko." humarap ako sa lobbist ko. "Pasamahan naman siya."
"Right this way po." sabi niya. "Si sir Gian po pala yung naghahanap sainyo kanina." dagdag niya habang nakaturo kay Gian tska naglakad para samahan si Ken papunta sa office ko.
Humarap ako kay Gian. "Gian, anong ginagawa mo dito?" sabi ko.
"Long time no see." sabi niya.
"And I would like for it to stay that way." sabi ko.
He smirked. "I heard you're the trendiest photographer these days. I'd like to hire you for my wedding." sabi niya.
"Wedding? May nagkamali pa pala sayo?" I mocked.
"Is this how you treat your clients?" sabi niya.
"Una, you're not my client." sabi ko. "Pangalawa, I can refuse service to anyone." Naglakad na ako paalis.
"I'll pay any amount." sabi niya.
Tumigil ako. "Any amount? Psh. You can't even pay for our wedding kahit sinagot na ng parents ko yung half ng bayarin. I carried your ass sa payments nung kasal natin." sabi ko.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...