Ken's POV
Asan na ba mga yon? Magsisimula na yung event. Tsk.
"Ate Bea, sila Josuel at Mavs?" tanong ko.
"Sabi nila magvavape. Baka pumunta sa smoking area." sagot niya.
"San yon?" tanong ko.
"Sa rooftop?" sabi niya. "Di ko sure eh."
"Ahh, okay." sabi ko.
Naglakad ako palabas. Kinuha ko yung mask at cap ko para magdisguise. Dumaan ako sa fire exit papunta sa rooftop para walang makakita sakin. Pag akyat ko sa rooftop, lumingon lingon muna ako para hanapin sila pero walang tao. Tatawagan ko sana si Mavs pero di ko nga pala nadala yung phone ko. Pababa na sana ako nung may marinig akong mga yabag ng paa, kaya nagtago ako sa likod ng pinto.
Niluwa ng pinto ang isang babaeng nakaputing gown. Mukang wedding dress yung suot niya. Pumunta siya sa edge ng building at tumitig sa ibaba nang mga ilang minuto. Masama yung pakiramdam ko dito kaya di muna ako umalis. Mga ilang minuto rin siyang umiiyak at pabalik-balik ng lakad. May mga binubulong siya pero di ko marinig. Siguro sa sobrang gulo ng utak niya di na niya ako napansin. Mga ilang minuto pa ulit at tinanggal niya yung sapatos niya tska umakyat sa edge ng building. Naaligaga ako dahil baka nahulog siya kaya tinulak ko yung pinto tska ako tumakbo papunta sakanya.
🎶
Hinawakan ko siya sa pulsuhan at hinila dahilan para mahulog siya sakin. Hinawakan ko yung ulo niya para ingatang hindi tumama sa kahit ano kaya hindi ko na naitukod yung mga kamay ko at likod ko ang bumagsak sa sahig. Hindi ko na ininda yung sakit ng pagbagsak ko dahil priority ko na di siya masaktan. Nakapatong siya sakin ngayon at nakabaon yung ulo niya sa dibdib ko habang humahagulgol. Niyakap ko nalang siya at tinapik-tapik yung likod habang umiiyak siya.
"Gago siya! Gago silang lahat!" bulong niya.
Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa wala na akong naririnig na mga hikbi. Tinanggal ko yung mga braso ko na nakapalibot sakanya at bahagya kong inangat yung katawan ko tska tinukod yung siko ko dahilan para umalis siya sa pagkakapatong sakin.
"Miss, okay ka lang?" tanong ko.
Yumuko siya at umiling. Natatago yung muka niya dahil nakatabing yung buhok niya sa muka niya. "Hindi. Pagod na ako." papahina niyang sabi.
Rinig na rinig ko yung sakit sa boses niya. "Pero dapat di mo pa din gawin yung ginawa mo. Masarap mabuhay kahit mahirap, kahit magulo. At least, may chance pang maging maayos pero pag sumuko ka na ngayon, yun na yung ending ng storya mo." sabi ko.
Umiyak nanaman siya tska tinakpan yung muka. "Pano ba maging masama?" bulong niya.
"What do you mean?" tanong ko pabalik.
"Pagod na akong abusuhin ng mga tao dahil mabait ako." sabi niya habang humihikbi.
"Pwede ka naman maging mabuti pero hindi mabait." sabi ko.
She looked at me with her eyes pooling with tears. "Oh." sabi ko tska siya tinuro. "I know you."
---
Cara's POV
I looked at this man as soon as he said that.
"Oh, I know you." sabi niya.
Sinuri ko yung muka niya. Nakatakip yon ng mask at naka cap siya pero alam ko kung sino yun. Mas lalong kumabog yung dibdib ko nung makita ko yung nakasulat sa sleeve ng jacket niya. SUPERIORSON.
"Oh!" sabi ko tska ako tumayo at ganun din siya.
"Ikaw yung babae na umiiyak non." sabi niya. "Oo, yung punit-punit yung damit."
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...