X - Solo Travel

26 2 5
                                    

Cara's POV

Pag gising ko ng umaga, I decided to walk on the beach. After that stressful situation, kelangan ko muna ng katahimikan sa buhay ko. I ate breakfast sa isang café malapit sa accommodation ko. Kaharap niya lang yung dagat kaya nakakarelax.

As I was drinking my coffee, naalala ko si Ken kasi ang tamis ng kape ko. My eyes started to pool with tears again kaya pinunasan ko na yun bago pa bumagsak. I just don't want to think about it anymore.

Pagtapos kumain, bumalik na ako sa accommodation ko dahil by 10am ippick up na ako ng service para sa island hopping. Chinarge ko na rin yung phone ko pero naka off lahat ng notifications. Kung tumawag man sila, I'll just ignore it. Dahil solo traveller lang ako I had to join a group of solo travellers, too.

"Hello." bati ko sa katabi ko.

"Hello. Solo traveler ka din?" tanong niya.

"Oo." sabi ko.

"Mukang lahat tayo dito ah." sabi niya. "Broken hearted ka din ba?" natatawa niyang tanong.

"I guess you can say that." sabi ko.

"Lahat tayo dito broken in some way. QC pala." sabi niya tska niya inabot yung kamay para makipagkamay.

"QC?" tanong ko.

"Oo, kasi taga QC ako. Siya si Tagaytay, si Baguio, Rizal, tapos Cebu." pakilala niya. Kumaway naman sila para bumati.

"So Pasay?" natatawa kong sabi tska inabot yung kamay niya.

"San ka nagsstay?" sabi niya.

"Sa Mati, yung Kawayan resort." sagot ko.

"Oh, magkalapit lang pala tayo. Ilang araw ka dito?" sabi niya.

"Di ko sure, actually. Gusto ko nalang magtago dito." natatawa kong sabi.

"I feel you. Kung pwede lang di na bumalik sa realidad." sabi niya.

"So why are you guys solo traveling?" sabi ko.

"Ako, kasi I lost my mom sa cancer." sabi ni Baguio.

"Sorry to hear that." sabi ko.

"Okay lang. It's been a long battle." nakangiti niyang sabi.

"Ako, I just want to experience things more." sabi ni Cebu.

"Self-growth. We love that." sabi ni QC.

"E ikaw?" tanong ko kay QC.

"My wife left me for another man." sabi niya.

"My fianceé left me for my bestfriend." sabi ko.

"Di ko alam competition pala to." natatawang sabi ni QC.

"Sorry. I mean, I get you." sabi ko.

"Ako, wala lang, trip ko lang mag solo travel kasi wala akong true friends." sabi ni Tagaytay.

"Ako naman, hindi ko naman talaga plano mag solo travel. Dapat kasama ko kambal ko at magjJapan kami pero di kami nakakuha ng visa agad kaya I decided to try solo traveling tapos yesterday, something happened sa work involving my ex-fianceé and the guy... I'm talking to?" natawa ako.

"Talking stage?" tanong ni QC.

"You can say that I guess." sabi ko.

"Life is so complicated." sabi ni Baguio.

"I know right." sabi naman ni Cebu.

"Aalis na po tayo. Eto po yung pagkakasunod sunod ng pupuntahan natin." sabi nung tour guide.

COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon