Ken's POV
"Asher! Gising na! Maaga ka pa!" tawag ko kay Asher habang naghahain ng pagkain.
Di na ako nag luto at nagorder nalang dahil late na din ako nagising. Umupo na ako sa hapagkainan at nagantay bumaba si Asher.
Mga ilang minuto na ang lumipas pero di pa din siya bumababa mula sa kwarto niya kaya tumayo na ako.
"Asher!" tawag ko habang naglalakad paakyat ng hagdan.
Binuksan ko yung pinto at naabutan siyang natutulog pa kaya hinila ko yung kumot niya.
"Gising na! Malalate ka na!" sabi ko.
Pikit mata pa siyang bumangon. "Tatay naman eh." maktol niya.
"Bumangon ka na jan." sabi ko.
Hirap pala pag sayo nagmana yung anak mo. Parang kalaban mo sarili mo araw-araw. Bumaba na ako uli at nagsimula ng kumain. Mga ilang minuto lang ay bumaba na si Asher at umupo sa hapagkainan.
"Hahatid na kita para maaga ka makarating sa school." sabi ko.
"Sige, tay." sabi niya. "Pwede pahatid din sa training mamayang uwian?"
"Oh, bakit? Ayaw mo magcommute?" tanong ko.
"Tatay naman eh. Alam mo naman ayaw ko nagcocommute. Ayaw mo naman kasi ako bigyan ng sasakyan." sabi niya.
"Nako, Asher. Ako nga non nagjejeep lang pag pumupuntang training. Pag walang wala naglalakad pa." sabi ko.
"Syempre, ikaw yon, tatay. Eh kaya ka nga nagtrabaho para di ko na maranasan yon." sabi niya.
"Oo naman." sabi ko. "Osiya! Maliligo na ako, dapat pagtapos ko magayos nakaayos ka na din kundi iiwan talaga kita."
"Di mo naman ako maiiwan kasi ako lang naman rason bakit lalabas ka." pangaasar niya.
"Alam na alam mo talaga, boi." sabi ko tska ko ginulo yung buhok niya.
"Syempre, tatay kita eh." sabi niya.
"Osige na. Magayos ka na. Iwan mo na jan mga pinagkainan at ako na maghuhugas pagkauwi." sabi ko.
"Magkikita ba kayo ni nanay mamaya?" tanong niya.
"Oo, sama ka?" tanong ko.
"May training kami pero try ko sumunod." sabi niya.
Tumungo nalang ako at pumasok na sa banyo para maligo.
🎶 Umuwi na tayo by JRoa
Nung makaayos na si Asher umalis na kami at hinatid ko na siya sa school.
"Ingat ka. Magmessage ka lang pag pupunta ka or pagtapos na klase mo." sabi ko.
"Oo, tay. Ingat ka din. Labyu!" sabi niya.
"Labyu!" sagot ko
Nahihiya pa rin ako pag sinasabi yon pero sinanay ko nalang sarili ko dahil sino pa ba ang magsasabi sakanya non kundi ako? Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak at ice cream para surpresahin si Cara.
Binilhan ko siya ng sunflower dahil alam ko namang favorite niya to. Nagpark na ako at naglakad na hawak hawak yung bouquet ng bulaklak.
"Ga, andito na ako." sabi ko na nakatago yung mga kamay ko sa likod para maitago yung mga regalong dala ko.
Tintigan ko lang siya. "Ang ganda naman ng ngiti ng langga ko. Kaya ako nainlove sayo eh." sabi ko tska ko tinapik yung pisngi niya.
Umupo na ako sa sahig at tinitigan siya. "Namiss kita ng sobra. Pasensya ka na kung di tayo nagkita ng ilang linggo. Sorry na, wag ka na magtampo. Eto bulaklak." sabi ko tska ko inabot sakanya yung bulaklak.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...