🎶 Mistletoe by Justin Beiber cover by Felip
After an hour, natapos na yung church. Nagkamustahan muna lahat tas pinakilala ako ng papa at mama ni Ken sa mga kachurch nila. Nagpicture picture pa yung iba pero di ako nakisama. Inexplain nalang din ng ate ni Ken bakit.
Pagtapos, umuwi na rin kami sakanila. Nagpalit na ako ng damit kasi gusto kong suotin uli mamayang pagsalubong ng Christmas yung bigay ng mama ni Ken.
"Langga, pwede ba ako magpatulong?" tanong ng mama ni Ken sakin.
"Po?" sabi ko.
"Lika, tuturuan kitang gumawa netong kakanin." sabi niya.
Ngumiti ako at lumapit. Tinuro niya sakin ano yung mga ingredients, kung ilan gagamitin tapos kung pano gagawin. Pinapiga niya ako ng niyog. Nakisama na din si ate sa pag luluto. Nasa likod ng bahay si Ken at tito kasi pinagsiga siya ni tita.
"Mas masarap kasi pag sa siga niluto." sabi ni tita.
Ngumiti lang ako at nanood na ng ginagawa niya. "Gusto mo itry?" sabi niya habang inaabot sakin yung mahabang sandok.
Kinuha ko yun at naghalo ng gata sa malaking kawali. Pinicturan kami ni ate habang nag-luluto.
"Mamang, bakit mo pinagtatrabaho si Cara?" sita ni Ken.
"Ayos lang." sabi ko.
"Akin na yan. Ako na jan. Sasakit braso mo." sabi niya.
"Okay nga lang." sabi ko.
"Ako na." may diin niyang sabi tska niya kinuha yung sandok.
Pumunta siya sa pwesto ko at giniya ako pagilid. Kinuha ko nalang yung baso na may ice tea na tinimpla ni tita. "Ikaw naman. Tinuturuan ko nga siya para pag may anak na kayo pwede niya din ituro sakanila." sabi ni tita.
Nabilaukan ako sa ice tea na iniinom ko. Hinampas-hampas ko yung dibdib ko dahil nauubo ako. "Si Mamang." sabi ni Ken.
"Bakit?" natatawa pa siya. "San ba kayo papunta?" tanong niya tska tumingin sakin.
Ngumiti ako at nilakihan ng mata si Ken. "Magkaibigan lang po talaga kami." sabi ko.
Natapos na kaming nagluto ng mga handa para sa noche buena mamaya. Naupo muna ako sa sofa kung nasan andun si Ken na nanonood ng anime. Lumapit sakin si Ken at inangat yung paa ko mula sa stool. Nilapag niya yung paa ko sa binti niya tska minasahe. Hindi siya tumitingin sakin at nakatutok lang sa pinapanood niyang anime. Nakangiti nalang akong nakinood.
---
Ken's POV
"Ken." bulong ni mama.
"Mmm?" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Nakatulog na yang katabi mo." mahina niyang sabi.
Napatingin ako kay Cara. Nakatulog na nga siya baka napagod sa byahe. Dahan dahan kong binaba yung paa niya at inayos yung ulo niya sa unan. Kumuha ako ng kumot sa kwarto at kinumutan siya. Umupo ako sa sahig at pinagpatuloy manood ng anime.
"Malipayon ba ka?" tanong ni mamang.
"Oo naman, mamang. Masaya ako. Bakit mo tinatanong?" natatawa kong sabi.
"Masaya akong masaya ka." sabi niya.
"Ayaw ug kabalaka. Masaya ako, mang." sabi ko tska ngumiti.
Lumapit siya at ginulo yung buhok ko. "Magsabi ka sakin ha? Pag nahihirapan ka na o may nararamdaman ka o pag kelangan mo lang ng kausap." sabi niya.
Hinawakan ko yung kamay niya. "Oo naman, mang." sabi ko.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...