Cara's POV
After ng usapan namin ni Lea napaisip ako sa kung anong gagawin ko. Sleep did not come easy to me pagtapos ng interview namin ni Ken.
Kahit na late ako nakatulog, maaga pa rin akong nagising para gumawa ng breakfast namin nila Asher at Lea. Dito na rin kasi tumitira si Lea dahil binabantayan niya si Asher pag kelangan ko mag work sa office.
Si Lea nalang kasi ang nagwowork sa office full time dahil hybrid na ako. Buti nalang pumayag si Jung.
Habang nagluluto ako ng agahan, nagising na si Asher.
"Morning, baby namin." sabi ko.
"Morning, nanay." sabi niya.
"Eat na tayo?" tanong ko.
"Okay." sabi niya.
Naghain na ako at pinaupo ko na si Asher sa booster chair niya. "Asher?" tawag ko sakanya.
"Po?" he answered.
"Do you want to meet tatay?" sabi ko.
"Tatay? Nanay, watch." sabi niya.
"Watch? E nagbbreakfast ka pa." sabi ko.
"No, nanay. Watch, please." sabi niya.
"Its too early." sabi ko.
"Nanay, please, watch." sabi niya.
"Asher." sita ko sakanya.
"Please, nanay. Asher will watch." sabi niya na naluluha.
Hayyy, its one of those days nanaman na di mo talaga masita tong batang to. Kinuha ko nalang yung tablet niya at nilagay yun sa harapan niya.
"What do you want to watch?" tanong ko.
"Tatay." sabi niya.
"Hmm?" tanong ko.
"Tatay, Gento." sabi niya.
So naaalala niya pala si Ken?? Kahapon nung nagmeet sila, tinawag niya kayang tatay si Ken? Pero kung tinawag niya edi sana nagtanong na si Ken sakin.
Nilagay ko nalang sa YouTube yung Gento. "Tatay! Tatay!" tuwang tuwang sabi niya.
"Asher, do you remember tatay yesterday?" tanong ko.
"Yes, nanay. Let's meet tatay." sabi niya.
"You want to meet tatay?" tanong ko.
"Yes po." sagot niya.
"Do you miss tatay?" tanong niya.
Tumungo siya. "I want tatay po." sabi niya.
"Do you want tatay to stay with us?" tanong ko.
"Yes, tatay will sleep here?" tanong niya.
"Mmm... Tatay can't eh." pag-iisip ko.
"Please, nanay. Tatay sleep here forever." sabi niya na naluluha na.
"Okay. I'll ask."
Nangilid na din yung luha ko at niyakap siya. Hindi ko napansin na gising na si Lea.
"I think it's time." sabi niya tska kami niyakap ni Asher.
"Sa tingin mo?" bulong ko.
"Minsan lang sila nagmeet pero nangungulila na yung anak mo sa tatay niya." sabi ni Lea.
Sabagay. Hindi naman naghanap si Asher kahit kelan ng tatay pero ngayong nakilala niya si Ken sa tingin ko namulat siya sa pangungulila kay Ken.
"May time pa naman ako pagisipan." sabi ko.
BINABASA MO ANG
COMPLETED: Gihigugma (A Ken Suson Fanfiction)
FanfictionCara may seem like the perfect girl to everyone. A perfect daughter, girlfriend, friend, and colleague, but little did they know that it was all a facade. Cara is feeling the weight on her shoulder and was ready to end it all but, this man with a sw...