New

0 0 0
                                        

TORI'S POV

Very overwhelming ang effort ni Ice na paglutuan pa ako ng baon. Late na nga sya umuwi the day before rest day nya tapos maaga pa sya gumising para lang ihatid ako. Later, sususnduin pa nya ako. Well, baka OA lang ako, wala naman kasing gumawa ng ganung bagay sa akin except for my parents, tapos ang sarap pa ng ulam ko, bicol express! Medyo madami kaya nag share ako sa mga ka-trabaho ko.

Boyfriend mo talaga ang nagluto nito? Ang sarap ha?

Parang luto ng nanay, ang homey sa feeling, namiss ko tuloy mama ko!

In fairness ha? Ang sarap nga Vicky, kung sya ang boyfriend ko, naku! Hindi ko na pakakawalan yan, husband material OMG!

Ay hala grabe kayo. But yes, this is his first time na pagbaunan ako kaya plus plus points talaga sya sakin.

Naku for sure, bakbakan yan mamayang gabi, nasarapan sa pagkain e!

Huy, wag ka magsalita ng ganyan. For the record, wala pang nangyayari sa amin, maniwala kayo sa hindi!

Hoy Rebecca ha, wag mo yan itulad sayo na pati piloto na may asawa na pinatulan mo haha!

Maka full name naman 'to! Hindi ko talaga alam na may asawa na yun, tamaan man ako ng kidlat ngayon!

Ang sabihin mo, shunga shunga ka!

Si Rebecca or Becca, and Geneva or Gigi, friends na sila since college and nanggaling na rin sa international airline company. Nag resign kasi gusto nila dito na lang sa Pinas. Mabuti na nga lang daw pag uwi nila, may nahanap kaagad silang trabaho which is ito ngang agency. 5 years ang gap nila sa akin. Parehas pang single.

Hindi naman kami choosy. Tsaka pahinga na rin muna kami kakalipad, lalo na ako. Kailangan lagi kong madaling puntahan mother ko at tumatanda na, we never know... You know na yun, diba? Wala ako sa Pinas nung nawala ang tatay, masakit yun sa akin. Nasa ere kami hindi ko mapigilang humagulgol.

Korek! Para nga kaming magkakabit ang bituka, pati kapalaran ng buhay almost the same. Kung sya, mother. Ako naman si father, mahina na rin sya ngayon kaya ayaw ko nang mapalayo sa kanya. Mahalaga ang career, yes. But family always first for us.

Yung isa pa naming kasama, si Josiah. Magka age kami, pero maaga syang nag asawa but wala pa silang anak. They have fur babies, a cat and a dog. First and last nya ang asawa nya.

Mahirap bumuhay ng bata sa panahon ngayon. Wala namang problem sa financial kasi parehas naman kaming working at may ipon, awa ng diyos may maliit na bahay at sasakyan. What concerns us is yung safety and security. Delikado ang buhay ngayon para sa mga bata, di tulad natin noon na hinahayaan lang tayo maglaro sa labas or maglakad back and fourth sa school, walang mangyayaring masama satin.

May point sya, and very practical. Overcrowded na nga ang pinas, di pa maayos ang economy at walang kuwenta ang gobyerno. Paano pa ang magiging future ng mga bata diba?

Ayaw ko maging magulang hindi dahil ayaw namin ng responsibility. Ayaw namin maging magulang dahil ayaw kong pagdusahan nila yung mundo na meron ngayon na wala naman silang naging fault first and foremost.

Palakpakan kami.

Grabe, pang beaucon na yang sagutan mo Josh!

Totoo naman ang sinabi nya, walang mga kasalanan ang mga ipapanganak pa lang sa mundo pero bakit sila yung napaparusahan sa mga unfortunate recent events?

---

One week nang nakalipas, smooth naman ang transition from airline to office work. Madali naman ang ginagawa namin, namiss ko lang talagang buong katawan ko ang kumikilos, kaya nag gym ako twice last week.

Hindi ko na naabutan si Ice, maaga sya umalis papuntang work. Mawawala sya ng ilang araw. May team building daw and may long flight. Naks, nagkaroon ng recession, tapos may team building. Oh well...

Gabi kami babyahe. Training naman ako maging tour guide ngayon. Makakasama ko daw yung anak-anakan ng BFF ni Ms. Kath, na before daw matanggal sa airline is nag tour guide daw sa agency ng kakilala nila. Baka nga kilala ko yun, same kami ng fate e.

At hindi nga ako nagkamali.

Huy! Ikaw ang tuturuan ko? Wow, small world!

Si Jae Hyun guys, este Darryl.
Maya-maya dumating na din yung van then nag orient na sya sa akin.

Yes si Tita Belle, friend nila Tita Kath na may ari ng agency pero kasi malayo yun dito. Tsaka since I'm here na bakit pa ako lalayo diba? Mabuti na lang talaga nakahanap agad tayo ng trabaho.

In fairness sayo ha, ang tatas mo mag tagalog?

Tatas?

Fluent I mean.

Hindi naman. Hindi ko nga alam yung tatas diba? Since grade 3, dito na ako nag-aral and si Tita Belle ang nag alaga sa akin while my parents are busy sa business. Bale family friend namin sya. Dito na rin ako nag graduate ng college. Ayaw ko doon sa amin kasi nakaka pressure mag aral dun. Currently, nasa Korea na parents ko but I chose to stay here, dito na ako nasanay. Baka-bakasyon na lang ako minsan doon.

Medyo hirap ako sa ibang words as you can hear naman...

Okay lang yan, as long as naiintindihan ka namin. Ang galing mo nga e.

First job nya ang tour guide, frequently within Luzon area. Nagsisimula pa lang kami so, van tour muna. Mabuti na lang may mga naenganyo sa opening promo namin. The agency's first tour is Buscalan-Sagada-Banaue.

Nakapunta ka na doon?

Me? Hindi pa. Tsaka nandoon si Apo Whang Od diba? So magpapa tattoo ka?

Nakapunta na ako dito through my last agency, and I never tried magpalagay.

Oh I see. Kahit siguro ako ayoko, kasi sabi nga nila masakit.

Anyway, usually, isa lang ang guide ng van tour. But since nagsisimula ka, pa lang kaya kasama mo ako... Marunong ka naman magluto diba?

Of course.

As you can see, may mga dala akong ingredients sa likod. Throughout the Buscalan tour, sagot natin yung foods. Then the following days, kanya-kanya na.

Oh wait!

Buti na lang, maaga-aga pa and dumaan aa apartment ang van kaya kumuha ako ng kumot. Hindi ako nakakatulog kaagad kung wala yun. Nagmadali ako and nakuha ko naman agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon