CHAPTER 16

3 0 0
                                    

RY'S POV 

HINABOL ko ang ilang linggo na hindi ako nakapag-training dahil sa cast ko. We still have 2-weeks left before the closing of sports fest. Mula nung bumalik ako sa training ay hindi na rin kami masyadong nakakanood sa laro nila Silver.

Nasa training room ako kasama sila Sam at Dean. Nandito rin si Saab.

"Saan daw ang date niyo?" usisa ni Saab.

Tumigil ako sa pag-ayos ng gamit ko. "Sa mall, malapit dito."

"Okay na?" tanong ni Sam habang inaayos ang target.

Tumango lang ako habang sinusuot ang arm guard ko. Sinabit ko sa balikat ko ang quiver at dinampot ang recurve bow.

"Just tell us if it still hurts," paalala ni Dean.

I gave him an okay sign. Tumayo ako sa shooting line at kumuha ng arrow tsaka umasinta.

I winced when I pulled the string. Ramdam ko rin ang panginginig ng kaliwang kamay ko. Saab approached me.

"You, okay?"

Inayos ko ang sarili at tumango. "Yeah."

Inasinta ko ang target and then released the bow.

"6, not bad." si Sam.

I tried to shoot again, and this time I got 7. Inis akong kumuha ulit ng arrow.

"Don't push yourself, Ry." si Dean.

I released the bow again.

"8! This is good, Ry!" tuwang tuwa na sabi ni Sam sabay tapik sa akin.

Binalik ko na ang gamit ko sa lagayan. I looked at my trembling hands. Sabagay, it's been weeks mula nung huli kong nagamit ang kamay na 'to, talagang mag-aadjust pa ko.

Pagkalabas namin sa training room ay nandoon sila Silver at Chase, kasama rin nila si Ace na naka-upo lang.

"Hi, Ry!" bati ni Ace. "ready ka na ba sa date na'tin?" he smiled cheekily while looking at Silver.

"Hmm, let's go."

"Ry!" pigil ni Silver.

Namumula ang mukha niya at nakakunot ang noo.

"Oh?" tanong ko. "may kailangan ka?"

He looked away. "Wala. Tsk. Umalis na kayo."

Ace laughed. "Eto na nga oh. Tara na, Ry."

*****

THIRD PERSON'S POV

Silver hasn't spoken since the two left. He can't even ask Ry for a breakfast tuwing nagkikita sila. Pero heto si Ace, sinamantala ang kahinaan niya at ngayon ay kadate si Ry.

Matapos umalis nila Ry at Ace ay binulabog si Silver ng pang-aasar mula sa mga kaibigan.

"You look so red, bro. Hahaha," Chase laughed.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon