SILVER'S POV
NAKASIMANGOT ako buong biyahe namin. Nakasakay kamk ngayon sa shuttle van papunta sa private vacation house nila Chase dito sa Palawan. Marami nga pala silang vacation house sa Pinas. Madalas rin nilang ipahiram iyon sa amin tuwing nagbabakasyon kami.
"Bakit nakasimangot ka na naman, Villanueva?" asar ni Ace sa akin.
Ang hindi niya alam siya... siya ang dahilan kung bakit wala na ako sa mood. Ito naman kasi si Ry, inimbitahan pala si Ace. Okay na nga ako kila Sam at Dean na inimbitahan niya rin pero kay Santos? Huwag mo na akong kausapin.
"Kaya nga, we're here to enjoy Silver." Tinapik ako ni Sam na nasa likod namin naka-upo.
Si Ry naman ay natutulog lang sa tabi ko. Maaga kasi kaming nagising para maghanda ng gamit namin kanina.
Ilang oras pa at nakarating na rin kami sa vacation house nila. Its bigger than their house sa city. Tinulungan kamk ng housekeeper nila na ipasok ang mga gamit namin.
Isa isa naman kaming sinamahan ni Chase kung aling kwarto ang gagamitin namin.
"Ikaw Ry, saan ka?" tanong ni Chase.
Tinatanong pa ba yan? Sa kwarto ko malamang.
"You stay here." turo ni Dean sa pinto katapat ng kwarto ko.
Kumunot naman ang noo ko. "Diyan din ak--"
"No," pigil ni Dean. "You should give her privacy."
Wala na akong nagawa. Kuya niya 'yan eh. Tungkol nga pala sa nalaman ko. Narinig ko kasing kausap ni Ry sa telepono si Dean, asking her to come home. I asked Ry kung anong relasyon nila at doon ay kinuwento niyang magkapatid sila. At nito niya lang rin nalaman.
Dahil karamihan sa amin ay pagod na dahil sa byahe ay napagpasyahan namin na magpahinga na agad. Mabilis lang rin akong nakatulog dahil sa pagod.
-----
Kinabukasan ay tinawag lang kami ni Chase para tipunin. Naka-gayak na siya at handa nang umalis.
"Magpalit na kayo. Pupunta tayo sa plaza." paalala ni Chase.
"Ahh! Ry, I brought something for you. Come on!" sabay hila niya kay Ry papasok sa kwarto nito.
Nang katukin ko ang kwarto nila Ry para tawagin siya ay walang sumagot. Tapos na siguro silang magbihis.
"Whoa, Ry! Ang ganda mo! Bagay tayo!" dinig kong puri ni Ace.
"Loko ka," halakhak ni Sam. "Kapag dumating si Silver lagot ka talaga."
Nagmamadali akong pumunta sa sala kung saan ko sila narinig. Ako nalang pala ang hinihintay niya. Natigilan ako nang makita ang suot ni Ry.
"Tingnan mo, sabi sayo maglalaway 'yan eh." asar ni Saab.
Hindi naman revealing ang suot niya. See through nga lang. Dress naman iyon pero kita ang panloob niya na one piece at short na pambaba.
"Hoy, tara na. Iiwan ka ba namin?" tawag ni Chase.
Tumakbo ako at agad tumabi kay Ry. Pagkarating namin sa plaza ay marami ang taong naroon. Mga bakasyonista. Dumiretso kami sa isang restaurant at doon kumain.
Mukhang kilalang kilala nga talaga si Chase dahil ang may ari pa mismo nitong restaurant ang bumati sa kaniya.
Nagpaalam si Saab na lalabas saglit at sinama niya na rin si Ry. Nang silipin ko kung saan sila nagpunta ay doon lang pala sa dessert stall.
"Oi, Silver. Mukhang hindi mo na kailangan mag-alala sa akin." tawag ni Ace sabay turo sa labas.
Sinilip ko iyon at nakita si Ry. May naka-akbay sa kaniyang lalaki at tila gusto magpa-piture dito. Mukhang nakita rin ni Dean iyon. Bigla siyang tumayo at lumabas kaya sumunod na rin kami.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.