SILVER'S POV
NAGISING AKO dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Inilibot ko ang mata ko at napagtantong nasa ospital na ako. I tried to get up but my body still feels weak.
"Kuya!"
"Oh, Silver..." I heard Mom cried. "You're finally awake."
"Do you need anything?" tanong ni Dad.
"Where's Ry? Can I see her?"
Natigilan silang tatlo. Parang bang may nasabi akong hindi maganda.
"Mom? Dad?" tawag ko.
"Chase is coming to visit later. I think you should rest." utos ni Mom.
The afternoon came, and I was told that I'd been asleep for a week. Tuwing babanggitin ko si Ry ay iniiba nila ang usapan. Its like they're hiding something from me.
Naikwento rin ni Chase na nagpadala rin ng bantay sa kanila ang HQ noong panahon na nadukot ako.
"Ayos ka na ba, bro?" tanong ni Chase.
"Nakaka-usap mo ba si Saab?"
Kumunot ang noo niya. "Minsan, bakit?"
"Did she tell anything about Ry? How is she?"
He looked away. Does he know something too?
"Wala naman. Hindi niya nababanggit eh."
"Are you telling the---"
Bumukas ang pinto. Nabuhayan ako nang makitang si Saab iyon. May ilang sugat pa rin na visible sa mukha at katawan niya.
"Oi, Saab. You look pale," puna ni Chase. "Nagpapahinga ka ba?"
"I'm fine. I came for Villanueva."
That again. They always call me that when they are serious and probably in work mode.
"Is she okay?" tanong ko.
Ang blankong ekspresyon ay napalitan ng galit.
"I came to report about the mission," pag-iiba niya sa usapan. "Jacovo is dead. Your family is now safe. We're now closing your case."
"And Ry?"
"That's all I can share. Any information about HQ is prohibited for outsiders."
"Why can't you tell me?" inis kong saad. "It's like you're all hiding her away from me? Why is she dead?"
Tinitigan niya ako. "What if she is?"
I froze. There's no way. Imposible.
"You're joking, right?" si Chase.
Ngumisi si Saab. "I'll take my leave now. This is the last time we'll see each other." and she left.
"Silver?" tawag ni Chase.
Nag-unahan bumagsak ang mga luha sa mata ko. Nanlaki ang mata ni Chase nang hilahin ko ng IV sa kamay ko.
"Bro, are you crazy?" pinigilan niya akong maka-alis.
"Let me see for myself, Chase." paki-usap ko.
Bumuntong hininga siya. "I'll drive."
Una kaming pumunta sa bahay nila Ry. Ilang beses kong pinindot ang doorbell nila pero walang sumasagot. Dumating ang guard ng villa nila para kausapin kami.
"Sino hong pakay niyo?" tanong niya.
"'Yung mga nakatira po dito," sagot ni Chase.
"Ahh, sila Ma'am Saab?" tumango ito. "Umalis na po sila diyan mga Sir."
"Are they with Ry?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko ho sigurado eh. Nabalitaan ko lang rin na umalis na sila. Bakit ho ba?"
"Nothing. Thanks."
Sunod kaming nagpunta sa boutique nila Cam and Jessie. Saktong paalis na sila nang makarating kami.
"Oh? Silver!" si Jessie.
"Silver! Bakit ganiyan ang suot mo?" pansin ni Cam.
"Have you seen Ry? Alam niyo ba kung nasaan siya?"
Napatingin sila sa isa't isa. Tila tinitimbang kung ano ang sasabihin sa akin.
"Are you both aware of their mission?" tanong ko.
Marahang tumango si Cam. Right... I should've known.
"Silver, I think you should stop looking for them." payo ni Jessie.
"Once they finish their mission, impossible na ulit na magkita kayo. Maybe its for the best," dagdag ni Cam. "You both should go back, baka nag-aalala na ang parents mo sa'yo."
Iniwan na nila kami pagkatapos. Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa siya. Hindi kayang tanggapin ng puso ko na wala na siya. Imposibleng mangyari 'yon.
"Silver..." tawag ni Chase. "We should go back. Tumatawag na ang Mom at Dad mo sa akin."
"Chase, this is the last one," paki-usap ko. "Please."
He reluctantly agreed. "Sige, malalagot ako kila Tito dahil sa'yo eh."
Sinubukang tawagan ni Chase si Dean pero hindi siya nito sinasagot. I suggested that he tries calling Sam, baka sakaling alam niya ang address nila Dean. Halos magmakaawa na ako para lang ibigay niya sa akin ang address nila kaya sa huli ay binigay rin niya.
Halos kalahating oras ding nagmaneho si Chase hanggang makarating kami sa villa nila Tito Hiro. Mabuti nalang at kakilala ni Chase ang guard kaya agad kaming nakapasok.
Agad akong bumaba nang makarating na kami sa bahay nila. Ilang beses kong pinindot ang doorbell nila hanggang bumukas ang gate nila.
"May I help you?" tanong nito. Sa pagkaka-alala ko ay siya ang assistant ng Lolo ni Ry.
"Is Ry here?"
Nagtaka ang itsura niya. "Ms. Saab didn't tell you?"
"Who's that, Shin?"
"Dean!" tawag ni Chase.
"Oh," gulat niyang bati. "You should leave, Villanueva.
Napansin ko ang itim niyang kasuotan. Don't tell me Saab was telling the truth?
"Dean," hinila ko siya. "Is... she really... dead?" Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Masama ang tinging ipinukol niya sa akin. "You don't believe it?"
"I don't believe you. I can still feel her, Dean! You're joking, right? Bakit ba itinatago niyo siya sa akin?!"
"Silver, calm down." si Chase.
"Why are you acting so special, Silver? Just accept it!" giit niya. "It's not like you really loved each other."
"I did!" sagot ko. Natigilan siya. "Hindi naman ako magiging ganito kung hindi ko siya mahal, Dean. Now, if she's... if she's really dead. Why can't I see her?"
"... Halos mabaliw nga ako tuwing nawawala siya sa paningin ko non. Huwag mo naman siyang ipagdamot sa akin. I just want to say goodbye."
"Umalis na kayo," utos niya.
"Let's go back, Silver." si Chase naman.
Pagkabalik namin sa ospital ay naki-usap ako kila Mom at Dad na ipa-discharge na ako. I don't think I can stay here longer.
I did not say a word. Chase explained to them what happened. Naging tahimik lang ako sa buong byahe namin pauwi. Dumiretso naman ako agad sa kwarto ko nang makarating na kami.
I saw Ry's dress on the sofa. Iyon ang suot niya noong nag celebrate sila ng christmas eve sa amin. Kinuha ko iyon at inamoy.
It still has her scent. Hanggang sa pagtulog ko ay hawak ko lang ang damit niya.
"Ry..."
I wish to see you in my dreams.
*****

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.