RY'S POV
Kinabukasan.
AGAD akong napabangon nang maramdaman kong malambot na ang hinihigaan ko. Nilibot ko ang paningin at napagtantong nasa kwarto ko na ako.
Ang alam ko ay umidlip lang ako saglit habang nagmamaneho si Silver. Bakit nandito na ako?
Tumayo na ako at naghanda para pumasok. Pagkababa ko ay nasa dinning na sila Saab at nag-aagahan.
"Good morning. Sarap tulog ah," bungad ni Saab.
"Thanks to whoever carried me to bed," I thanked then sat down.
"Si Silver ang nagdala sa'yo. Tulog na 'tong dalawa at kahit kaya kitang buhatin, eh nandiyan naman si Silver," si Saab habang kumakain.
"Ahh," yumuko ako at nagsimulang kumain.
Matapos naming kumain ay nagpasya na kaming umalis. Seive already left habang ako naman ay sumabay kay Saab.
Pagkarating namin sa Peters ay dumiretso na kami sa archery club. Doon ay naghahanda na sila Sam at Dean.
"Good morning," bati ni Sam.
Si Dean naman ay inabutan ako ng energy drink. Nagpasalamat ako at lumapit sa locker area. Kinuha ko na ang uniform ng archery team at nagpalit sa bakanteng kwarto.
Nang makalabas na ako ay naroon na rin sila Silver at Chase. Nandito na rin si Ace.
"Wow, bagay sa'yo, Ry. Pero mas bagay tayo." sabay kumindat ni Ace.
"Lakas mo ah. Ang aga aga gumaganyan ka." away ni Chase sa kaniya.
Pinanood ko lang silang mag-asaran habang inaayos ko ang arm guard ko. Lumapit naman si Saab at tinawag ako papunta sa training room.
"Diyan lang kayo. Walang susunod ah." banta ni Saab.
Pagkapasok namin ay kumuha niya ang vial at syringe mula sa medicine kit na dala niya at inabot sa akin iyon. Ah, painkiller.
"Just in case, kakagaling lang niyang kamay mo." aniya.
"Thanks," saad ko sabay taas ng manggas ng kaliwang braso ko sabay turok ng syringe.
Matapos ang dapat naming ihanda ay lumabas na kami. Inagaw sa akin si Silver ang bow case na buhat ko at sinabayan akong maglakad.
"Did you sleep well?"
"Hmm, salamat doon."
Biglang lumapit si Ace at nakapagitna na silang dalawa sa akin ngayon.
"Ry, sa target ang tira ah? Huwag sa puso ko." banat niya.
Napatili si Saab. "Oh my gosh, Ace! Gusto na kita."
"Hoy, Saab. Watch what you say!" saway ni Chase.
Napa-igtad ako nang akbayan ako ni Silver. I was contemplating whether to remove his arms or not. In the end, I choose the latter.
Natatawa namang umiling si Ace nang makita ang ginawa ni Silver. He must be enjoying playing with him.
"Ry..."
I know that voice. Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko at nilapitan siya.
"Dad," bulong ko. "Why are you here?" sinilip ko ang paligid at naaninag sa hindi kalayuan si X.
Nilapitan kami ni Saab. "I'm glad you came, Tito."
Nilingon ko ang mga kasama namin. Pare parehong nalilito ang hitsura nila. Sinamaan ko ng tingin si Saab na agad nagtago sa likod ni Dad.
BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.